(part 2)
[Naomi’s POV]
Sa last period class na ako nakapasok sa school dahil nakipag bonding pa kami kay Mama Anne. Pinayagan rin
naman ako ng mga kuya ko na umabsent muna. Sabi nga nila wag na daw ako pumasok ngayong araw eh kaso
hindi naman pwede yun kasi nga, may kailangan pa akong gawin. Kung pwede nga lang na ipagpabukas na to kaso
natatakot ako sa kung anong pwede nilang magawa hindi lang kay Stephen kundi kay Yannie narin.Nakayuko akong naglalakad papunta sa classroom namin at kasalukuyang malalim ang iniisip ng bigla namang may
bumangga saakin kaya nalaglag yung mga daladala ko.“ay sorry miss. Sorry”
“o-ok lang” tinulungan ako nung nakabangga saakin na magpulot ng gamit. Nung napaangat na ang ulo ko, nakita
ko kung sino ang naka bangga ko.“D-drew”
“oh N-naomi”
Pareho kami napatayo then inabot niya saakin yung book ko
“salamat”
“uhmm k-kamusta ka na?” tanong niya saakin “long time no see”
“ok naman ako. O-oo nga, di na kita masyado nakikita”
Iniwas niya yung tingin niya saakin at ganun din naman ang ginawa ko.
Ang awkward.
Nakakamiss yung dati na kada magkikita kami, lagi kaming nagngingitian. Nakakamiss yung pag tap niya sa ulo ko
pati narin yung pagiging sweet niya.Ngayon ko lang narealize, miss na miss ko na si Drew.
“uhmm p-pasensya na ha? medyo umiiwas kasi ako sayo” sabi niya saakin
I gave him a weak smile “it’s alright. Naintindihan ko naman yun eh”
“Naomi” nagulat ako ng biglang hinawakan ni Drew yung kamay ko tapos tinignan niya ako sa mata “na-miss kita
ng sobra”Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. I can feel butterflies on my stomach. The same feeling kada makakasama ko
siya.Akala ko naibaon ko na sa lupa yung pakiramdam na yun, hindi pa pala. Ganito parin talaga ang nararamdaman ko
kada lalapit saakin si Drew.Hanggang ngayon, ayaw parin mawala-wala
“d-drew, a-ako din namiss kita”
He smile “sana Naomi ok ka na ngayon”
I smiled back “oo naman! ok ako ngayon, masaya” sinungaling ka Naomi, napakalaki mong sinungaling “i-ikaw?
Kamusta na kayo ni Jeanel?”“Naomi, kami na ni Jeanel”
*BOOM*
Another bomb exploded on my heart.
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Drew. Sila na ni Jeanel? Oo expected ko na mauuwi sa ganito lahat pero bwisit lang
bat ang sakit?I tried my best to smile “t-that’s nice! C-congrats. Uhmm s-sige una na ko m-malelate na ko eh”
Bago pa siya makapag salita, tinalikuran ko na siya at binilisan ko ang lakad ko dahil alam ko any minute tutulo na
ang luha sa mata ko.At di nga ako nagkamali.
Tumakbo agad ako sa restroom at pumasok sa isang cubicle at doon nag iiyak.
Letchugas na pusong to oh! Akala ko matagal na kong naka move-on. Akala ko wala na. Pero bat ang sakit parin
marinig yun? Bat ang sakit sakit isipin na yung bwisit kong puso tumitibok parin para kay Drew! Bakit ganito?!