*other sides*[Kryzel’s POV]
Rinig ko parin ang mga paguusap ng mga tao about sa incident kanina. Nakaalis na’t lahat si Naomi pero
pinaguusapan parin sila. Ang sweet sweet daw nilang dalawa.
Pumunta ko sa may bar counter. “give me any cocktail drinks, the strong one”
“how about pina colada ma’am? ”“no, mild lang yun. Long island iced tea”
Nag mix na yung bartender ng cocktail ko then inabot niya saakin “here’s you’re long island iced tea ma’am. I
hope this drink will put a smile on your face ”I didn’t mind the bartender instead I started sipping my drink.
Bakit ganun? I should be happy kasi alam kong unti-unti ng napapansin ni Stephen si Naomi, but still, bat ganito ang
nararamdaman ko. Para akong nagseselos.
Nagseselos kasi yung attention na ibinibigay ni Stephen kay Naomi is never niya pang nagawa saakin.
I admit na galit ako sa kanya because he used me. But still, mahal ko parin siya. Hanggang ngayon siya parin. Neverpa akong nainlove ng ganito sa buong buhay ko. PEro bat ganun? Bat magmamahal pa ko sa taong manggagamit?
And why, of all people, ang taong pagseselosan ko is yung bestfriend ko?
I heared the bartender rang the bell. Ibig sabihin maraming tips. And pag marami ang nakuhang tips, mag fflairing
siya.Narinig ko na nagpalakpakan ang mga tao nung nag fflair na yung bartender. I am watching him pero ayaw mag sink
in sa utak ko yung mga routines na ginagawa niya. Masyado akong pre-occupied.Tumayo ako and umalis na.
[Stephen’s POV]
I cannot forget the look on her face. Pagkalabas na pagkalabas ko sa bistro, I burst in laughter.
So ma-ki-kiss ko lang siya pag mahal ko na siya? In her dreams!
Di ko siya hahabol-habulin dahil sa labi niya no! and anyways I can kiss anyone whenever I like.
Naguumpisa pa lang ang laban. Kung sabagay panalo na ako. Siya narin nag sabi na may gusto siya saakin. Kayangkaya ko siyang makuha, paikutin at pagsawaan.
Bago pa ako masugod ng babaeng yun, sumakay na ako sa kotse ko and pinaandar papunta sa condo unit ng biglanamang mag ring ang cellphone ko.
Calling..
Steve Cruz
Oh, ano naman gusto nito?!
I answered the phone “what do you want?”“that’s a very nice greeting my son”
“ano nga dad? I’m busy you know”
“umuwi ka muna ngayong gabi dito”
“ha?! Bakit?! ”
Nakakainis naman! Madami pa akong bar na pupuntahan!
“basta! Wag ka umangal! I need you to be here within 20 minutes or else I’ll cut your allowance”
“but!!— “
Before I could react, he already hang up the phone!
Nakakakinis!!Dumiretso ako sa bahay namin. Oo nga pala, hindi ako madalas umuwi dito. Lagi lang ako nasa condo kahit malapit
lang ang bahay namin sa school. Mas gusto ko pa humiwalay kesa tumira dito.May naalala lang akong hindi magagandang bagay.
Pagpasok ko ng bahay, agad ako sinalubong ng isa naming maid and sinabi na pumunta ako sa dining hall.
Dumiretso naman ako agad dun and I saw my dad, together with a lady around his age.
“what is this? ”
“son, you’re here” they both stand “I want you to meet Alice, my future wife ”
“what?! ” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni dad “future wife?! You’ve got to be kidding me! ”“I’m sorry, but this is not a joke” he held her hands “I love her”
Tumawa ako bigla. Malakas na tawa “LOVE? You LOVE her? Alam mo ba ang sinasabi mo?! Or baka naman
nakalimutan mo na ang nangyari sayo because of that LOVE?! ”“Stephen, matagal na yun. I moved on!”
“well, I’m not! Hindi ako pumapayag!!! ”
I stormed out at dumiretso sa room ko para magkulong.
Love?! Dahil sa lintik na love na yan sira ang pamilya ko!!
Let me tell you something. When I was still a kid, my mom left us for another guy. MAHAL daw niya kasi yung
lalaking yun kesa kay dad. At dahil MAHAL ni dad si mom, halos mabaliw siya nung iniwan niya kami. Everynight lagi
siyang may dalang iba’t ibang babae. He even went to bed with most of them. Hindi na siya halos nagtatrabaho.
Pinabayaan niya sarili niya, pati ang anak niya. Galit na galit ako sa kanila nun, sa dad ko lalo na sa mom ko.
Ipinangako ko sa sarili ko na never akong masasaktan dahil sa lintin na pagmamahal na yan! Dahil wala namang
babaeng seryso! All of them are like my mom! Lahat sila dapat lang na paglaruan at saktan!Dahil sila ang dahilan bat sira ang pamilya ko.
Ngayon magdadala na naman si dad ng panibagong babae na sisira sa buhay namin?!
Hindi ako papayag!