*Thanks to her*
[Yannie’s POV]
“Nico!!”Tumakbo ako sa labas ng bahay namin habang dala-dala yung payong ko kaso sa sobrang lakas ng ulan,
bumaligtad din ito kaya naman itinapon ko na lang ito at hinayaang mabasa ako ng ulan.Agad agad kong binuksan yung gate ng bahay namin at nilapitan ang lalaking nakaupo malapit dito.
“Nico”
Napaangat ang ulo ni Nico nung makita niya ako at siguro sa pagkabigla, napatayo agad siya.
“Y-yannie?! Why are you here?! Baliw ka ba ha?! Ang lakas lakas ng ulan bakit ka sumugod!!”
Medyo natawa naman ako sa reaction niya “eh ikaw? Ang lakas lakas ng ulan bat ka nakatambay diyan?”
Iniwas niya ang tingin niya saakin “d-di ba sabi ko naman sayo di ako aalis hangga’t di mo ko binabalikan?
Mahal kita at ayaw kong mawala ka saakin kaya nandito ako”I smile “edi yun din ang dahilan ko kung bakit ako sumugod sa ulan”
Napatingin bigla saakin si Nico pero hindi siya nagsalita.
“Nico, tayo na ulit please? Ayoko ng mawala ka pa sakin”Hindi parin siya nag react at nakatitig parin siya saakin na akala mo eh tinubuan ako ng tentacles sa katawan.
“ayaw mo ata eh? Sige alis na ko” sabi ko kay Nico sabay talikod.
Bigla naman niya hinatak yung braso ko
“Y-yannie, pwede bang pakiulit yung sinabi mo?”
Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Nico “ayokong ulitin, ang haba eh. Pero eto na lang ang sasabihin ko
sayo” hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya diretso sa mata “mahal kita at ayokong mawala ka”Bigla bigla na lang ako hinatak ni Nico papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit nito.
“Yannie, hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya. Alam mo ba nung mga panahon na ayaw mo ko balikan
halos mabaliw na ko? Ayoko ng mawala ka saakin. Sorry sa lahat ng sinabi ko sayo. Sorry kung sinisi kita sa
isang bagay na hindi mo naman kasalanan. Mahal na mahal kita Yannie, sobra. Wag mo na kong iiwan
please? Promise ko sayo aalagaan kita at mamahalin kita ng sobra. Wag mo kong iiwan ha?”Niyakap ko rin ng mahigpit si Nico
“mahal din kita Nico. Sorry din kung nagawa kong saktan ka. Pangako di na ko aalis at di na kita iiwan.
Ayoko ding mawala ka saakin, ikamamatay ko”Humiwalay si Nico sa pagkakayakap saakin at tinignan niya ako sa mata. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya
saakin hanggang sa magdampi ang mga labi namin.It was a slow, passionate, romantic kiss.
Sa halik na yun, ramdam na ramdam ko lahat ng emotions. Nandun ang happiness, ang pain, at ang love.
I put my arms around his neck to deepen the kiss then he placed his arms around my waist.
Kung iisipin, hindi ko naman talaga expected na magmamahal ako ng ganito. Nung una talaga wala naman akong
planong makipag kaibigan kay Nico, talagang ininggit ko lang si France nun kaya ko hiningi ang number niya kay
Naomi. PArang tamang trip trip lang. Pero di ko expected na magiging ka textmate ko siya samantalang ang tamad
ko mag text. Kung dati hindi ko ginagamit ang salitang “unli” simula nung naka text ko siya palaging gusto kong may
load na ko at naka unli. Nalulungkot ako pag may araw na di ko siya makakausap o makaka text. Ang saya saya ko
naman pag magkatext kami. Hanggang sa lumalim ng lumalim ang nararamdaman ko sa kanya and isang araw,
boom, mahal ko na pala ang lalaking to.