chapter 64

6.7K 115 2
                                    

*Vows*

Finale part 2

[Naomi’s POV]

It’s been 5 months after ng lahat ng nangyari. Up to now, parang ang hirap paniwalaan na masaya na akong kasama
ang lalaking minsan kong kinainisan, sinaktan at pinaiyak.

Dati walang ibang laman ang utak ko kung hindi ang magpa cute kay Drew. Nung dumating naman ang contract sa
buhay ko, wala akong ibang inisip kung hindi tapusin na ito, at nung natapos na, wala akong ibang hiniling kung hindi
ang maibalik ang dati.

Regrets, agony, pain. Naramdaman ko lahat yan. Akala ko di na ko sasaya. Halos gabi gabi na lang akong umiiyak
nun, halos araw araw na maga ang mata ko.

Pero sabi nga nila, kung di mo naranasan masaktan, di mo maappreciate kung gaano kasarap ang maging masaya.

Parang ngayon…

“oh Mika aalis ka?” tanong ni Mama nung makasalubong niya ako pababa ng hagdan

“opo mama, pupunta lang ako sa condo ni Stephen. May bago kasi siyang recipe na natutunan, gagawin na
naman niya akong guinea pig” =__=

Medyo natawa naman si Mama sa sinabi ko “sige mag iingat ka ah. Ikamusta mo na lang din ako sa kanya”

“opo mama. Bbye”

Siguro napaka weird talagang tignan na ang step mom ko ngayon ay real mom ng boyfriend ko. Pero bago pa ako
makalabas noon sa ospital kinausap na kami ni Mama Anne. Ang sabi niya kung mahal namin talaga ang isa’t isa,
dapat wag na namin intindihin ang sasabihin ng iba. Kung sa bagay, ano nga naman kung step mom ko eh real mom
ng boyfriend ko di ba? may masama ba doon? Di naman kami magkadugo ni Stephen eh kaya walang mali doon.

Ang saya pa nga, at least pag dumating ang araw na ikasal kami ni Stephen, alam kong ok na ok ang mother-in-law
ko saakin.

Lumabas na ako ng bahay namin then hinimas ko muna yung ulo ni Hotdog, yung aso ko, bago ako tuluyang umalis.

Pagkadating ko naman sa unit ni Stephen, may naamoy na ako agad na parang niluluto. Infairness ha mukhang
masarap kasi amoy pa lang ang bango na.

“Stephen?”

Dumungaw si Stephen galing sa kitchen at nginitian ako “babes nandito ka na pala, wait malapit ng matapos to”

Naupo naman ako sa dining room niya “sure. Bilisan mo magluto chef Stephen nagugutom na ko”

I heared him chuckled “sure love, eto na ok na”

Lumabas siya sa kitchen ng may dalang isang tray na may lamang dalawang sizzling plate at dalawang baso ng
juice. Inilapag niya ito sa harap ko, tinitigan ko naman yung pagkain

“sizzling bangus with kamatis?”

“hindi lang yan basta bastang sizzling bangus with kamatis! Ang tawag diyan is sizzling milkfish with diced
tomatoes and love of Stephen”

=___= < --reaction ko

“bat naman ganyan ang mukha mo babes!! Grabe ka pinaghirapan ko yan! Tikman mo kaya”

Kumuha naman siya ng isang serving noon at hinipan niya then itinapat niya yung kutsara sa bibig ko “say aahh”

Ngumanga naman ako at sinubo yung food. Infairness masarap nga. Kakaibang marinate ata ang ginamit niya sa
bangus.

“hmmm masarap ah”

“talaga? Sabi na eh magugustuhan mo”

“pero ikaw pasaway ka! Sabi mo may natutunan kang bagong recipe! Ano naman bago sa bangus?”

BREAK THE CASANOVAS HEART: OPERATIONWhere stories live. Discover now