*first time*
[Naomi’s POV]
10 things to do to break the Casanova’s heart
1. Make him notice you.
2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet
3. Make him ask you on a date
4. Make sure that date will be the one he will remember the most
5. Make sure that he will take you seriously
6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating
7. Make him introduce you to his parents
8. Make him kiss you
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
Haaaaaay gravy! Sumasakit ang ulo ko kakaisip! Hindi madali-dali itong number 3 ah? Buti sana kung sinabi “ask him
on a date” kaso hindi eh dapat “make him ask you on a date.” Paano ko naman gagawin yun? Tokwa naman oh!
Kung yung 1 and 2 madali aba’y itong susunod hindi na. at talagang magkadugtong ang 3 and 4? Pag pumalpak ako
sa 4 uulitin ko na naman ang 3!Nakakainis naman. Excited na akong matapos ito eh! Sino kaya ang gumawa ng listahang ito?! Grabe naman kasi!!
Pwede bang itapon ko na lang yung list then gumawa na lang ako ng sariling way para mapa-ibig siya?Kalerkey!
“HOOYYY! ”
“AY TOKWA!! ” bigla kong tinago yung list sa bag ko. Juskooo muntik na yun ah! Bat ba kasi parang kabute siya na
basta sumusulpot
“Oh? Bat ka nakapangalumbaba diyan ha? Miss mo na ko? ” tumawa siya “ay wait, oo nga pala hindi mo ko
mamimiss kasi kahit sinong lalaki ang tignan mo mukha ko parin ang nakikita mo ”at again, tumawa siya ng
sobrang lakas.So talagang naalala niya pa ang sinabi kong yun?! Kayamot eh no!! kinikilabutan kaya ako kada maalala ko yun!!
Nakuuuuuuuuuuu nakakayamot siya! Ang sarap niya sakalin kaya nakakapagtaka kung bakit nahuhumaling sa kanya
ang mga kababaihan at mga kabaklaan!“oh? Bat di ka makapagsalita? Gwapong gwapo ka naman masyado saakin ”
Sige na siya na winner sa payabangan award!
“oo, ang gwapo mo talaga Stephen. Pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin mamaya? ”
Napatulala siya sa sinabi ko. Ha! Nakuha ko na style nito eh, kesa makipag away sakanya mas ok pa kung sakyan
mo na lang siya.
“s-sige” tumalikod siya saakin tsaka bumalik sa upuan nun.
Ako naman ang lumapit sa kanya, then humarap ako ng ngiting ngiti“b-bakit?”
“haha bat ganyan ang itsura mo? Kinilig ka no?! ”
“hindi no! pwede ba umalis ka nga dito baka magbago pa isip ko sa pagsama sayo mamaya!!”
“sus, wag mo na kasing ideny na naiinlove ka na sakin ”
“babes I don’t know how to love ”
“kakainin mo din yang sinabi mo ”Bumalik ako sa upuan ko. Sana nga talaga nagkakagusto na siya saakin para mapadali na ang paghihirap ko!
[dismissal]Babes, wait mo ko sa north gate ha. May kailangan lang ako daanan saglit sa club
Naku naman I’m gonna kill him pag pinaghitay niya ako dito ng 5 minuto!!
Oo nga pala member si Stephen sa journalist club. O di ba, kahit babaero siya may alam din naman pala siyangmatinong gawin sa buhay. Nagtataka nga ako at bakit nag HRM yan eh. Sana journalism na lang, or Mass Com, or
English Major? Basta kahit anong may kinalaman sa hobby niya, bakit HRM pa? kung saan nandun din ako?
Hmp! Kayamot.
Eto ako ngayon naghihintay sa lalaking pinaka hate ko.
May tumakip sa mata ko bigla from behind“w-wait sino to? Stephen? Naku alam kong ikaw yan! Alisin mo na ang kamay mo at uuwi na ko!”
“ouch naman, selos ako” natahimik ako dun sa nagsalita. Inalis niya yung pagkakatakip sa mata ko and ayun nga
nakita ko ang aking papa Drew.