*Mahal kasi kita*
[Kryzel’s POV]
“oh game! Game!” sumenyas si Drew and lumapit si Stephen at Rence sa kanya.
Pinagpatong-patong nilang tatlo ang mga kamay nila “maalis taya!” they all said in chorused.
“oh yes I’m safe!!” sabi ni Rence habang nagtatatalon
“me too!” nag high-five si Rence at si Drew.
“cheaters!! Ulitin natin to! Hindi maaari!!” pagrereklamo ni Stephen habang nakasimangot
Inakbayan ni Rence si Stephen “sorry bro, hindi na pwedeng ulitin eh! ”
Lumapit naman si France atsaka ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Stephen “baby loves, alam ko naman nagustong gusto mo akong makatabi eh! ”
“tigilan mo ko!!”Nag maalis taya ang mga boys kung sino ang makakatabi ni France for two weeks, at kung suswertehin nga naman
si France, si Stephen ang natalo.
Tinignan ko sila habang nagtatawanan.
Mukhang masaya naman si Rence eh. Nakakapagdalawang isip tuloy kung totoo yung sinabi niya saakin kanina.“masisisi mo ba ko Kryzel? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang
lalaki at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit
ako nagkakaganito?”Waaaaaaaaaaaah nababaliw talaga ako! Ano ba talaga ako sa kanya? Gusto niya ba talaga ako?
Pero paano?
I mean, hindi naman kami talaga magkakilalang dalawa eh. Saglit pa lang kami nagkakasama. Ni hindi nga kamiclose eh. At isang beses ko pa lang siya nakakakwentuhan, at lasing pa ko nung mga panahon na yun na nahantong
pa sa.. you-know-what.
Kung meron man talagang nangyari.Paano niya ako magugustuhan? Ano yung love at first sight?
No, I don’t believe at love at first sight. Dahil kung ganoon nga nangyari, hindi naman pagmamahal ang tawag dun,
dahil mukha ko lang ang nagustuhan niya hindi yung tunay na ako.But still…
*sigh*
May biglang nag doorbell, binuksan naman ni Naomi yung pinto.
“oh ma’am Icalla”
Si Ma’am Icalla yung professor na kasama naming pumunta dito.
“kamusta kayo dito?”
“ok lang po ma’am”
“nag dinner na ba kayo?”
“yes ma’am!” we all said in chorus
“by the way, Drew and Kryzel, wala pa kayong naka schedule na activities tomorrow so free kayo mamasyal.Ikaw din Rence”
Si Rence? Wait kasali din ba siya?
“yes ma’am!”
“ayun ayos makakapasyal din tayo!”
“teka, kasali ka din sa Mr. and Ms. Palawan Rence?” tanong ni Naomi sa kanya“ah hindi, mag bibigay lang ako ng intermission number”
Akala ko pa naman nandito talaga siya para panuorin ako.
Teka Kryzel, bat parang disappointed ka?!
Maya-maya nung matapos sila magharutan, nag pasukan narin sila sa kani-kanilang room. Dahil tatlo lang kami at
dalawang queen-sized ang kama sa room namin, napag-desisyunan naming mag rotation kung sino ang mag so-
solo. Ngayong gabi si Naomi ang magso-solo sa kama tapos tabi naman kami ni Yannie sa kabila pa.Bago ako pumasok ng room, pumunta muna ako sa kitchen para magtimpla ng milk. Pagka kasi sa ibang lugar ako
natutulog, hirap ako makatulog kaya lagi akong umiinom ng gatas.Pagkapasok ko ng kitchen nakita ko naman si Rence doon na may ginagawa. Hindi naman ako makatingin ng diretso
sa kanya.Naman bat ba ko naiilang sa kanya?