*Last Hug*
[Naomi’s POV]
“surelalu ka na ba diyan sister? As in ready ka na? bawal na mag bago ang isip?” tanong saakin ni France
habang nakatambay kami sa Dairy Queen at kumakain ng ice cream.“oo nga France, sure na Sure na sure. .”
“hay, ayoko na nga mainlove. Sakit sa puso eh. Forever na lang ako lalandi”
“France.. naisip ko lang..” sabi ko sabay subo ng ice cream
“ano yun?”
Tumingin ako kay France “sana maging lalaki ka na lang tapos tayo na loveteam”
Halos mabilaukan naman si France doon sa sinabi ko “ay kaimbyerna ka ah! Pasalamat ka at broken hearted ka!
Kung hindi baka nasabunutan na kitang bruha ka! Hoy para sabihin ko sayo bakla, never akong magiging
lalaki! Babae ako sa puso’t isipan! Mas malandi at mas mapilantik pa ko sayo kaya don’t you even dare… ay
wititit! Baka gusto mong mag planking dito ng di oras!”“ayaw mo talaga? Palagi kang nasa bahay namin pag nangyari yun. Lagi mong masisilayan ang mga kuya
ko. Tapos pag nag overnight ka syempre di naman pwede na tabi tayo kaya syempre pwede ka maki-room sa
isa sa mga kuya ko.”Nakita kong nag ningning ang mga mata ni France “on the second thought” umubo siya then pilit pinalaki ang
boses, yung pang machong boses “tara date tayo babes”Hinampas ko si France “anak ng tokwa kinikilabutan ako! Brrrr di bagay france! Wag na wag mo nang
subukan! Beki ka na forever! Tanggapin mo yan!!”Biglang ngumuso si France “eh kasi naman eh, enge na lang kahit isang brief ng kuya mo?”>___<
Walanjo mo tong baklang to! Plano pa manyakin mga kapatid ko!
But infairness, thankful parin ako kasi si France ang kasama ko ngayon. Dahil sa kalandian ng baklang to nawala
kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko sa gagawin ko.Bukas, everything will come to an end.
Siguro kung ano man ang kahantungan, si God na ang bahala saamin.
[Bistro]
Pumasok ako sa loob at huminga ng malalim. Usually pag ganitong araw normal lang akong pumapasok sa bistro.
May nakapasak na headset sa tenga ko at pinapakinggan paulit-ulit yung kanta na kakantahin ko. Pero ngayon hindi
ako makapag concentrate.Doon ako dumaan sa back duct ng bistro then agad kong binaba yung guitar na dala-dala ko.
“best” lumapit si Kryzel saakin then tinapik niya ang balikat ko “h-he’s here. Nasa may bar counter”
I nod “thanks best”
Naglakad na ko papunta ng bar counter ng tawagin ulit ako ni Kryzel “b-best..” she told me with a worried
expression on her faceI smile “I’m ok, don’t worry”
Nakita ko agad si Drew na nakaupo doon sa isa sa mga bar stools. Lumapit ako sa kanya then naupo sa tabi niya
“hi”
“hello”
Errr awkward
“uhmm k-kamusta na?” I asked him
“eto ayos lang”
“oh I see.”
Ano ba tong pag uusap na ito. Walang kahahantungan.