*step 7*
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Ay tokwaaaaaaaaaa ano ba to!! Ako ay nababaliw na, sobra. Ano ba tong nararamdaman ko? Naiinis na talaga ko!!
Bakit ka ba ganyan Stephen? Bakit ba ayaw mong mawala sa isip ko?
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Baka naman nagkamali lang ako ng sabi? Hindi kaya ibig kong sabihin ay Drew hindi naman Stephen? Siguro nga
ganun. But still, paano naman ako magkakamali kung nasa isip ko lang sinasabi yun? Hindi kaya...?Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
HINDI PWEDE. Impossible as in sobrang imposible tong naiisip ko. Mahal ko si Drew, nararamdaman ko yun. Pag
kasama ko siya masayang masaya ako. Parang palaging gustong lumundag ng puso ko pag nakikita ko siya,
pagniyayakap niya ko, pag hinahawakan niya ang kamay ko…at nung hinalikan niya ko.Si Stephen naman, well may mga times na nakakaasar siya, walang sense kausap and ang sarap pang ipatapon
minsan sa Bermuda triangle para lapain siya ng mga giant squids doon. Ang daming times din na grabe akong
nahihiya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Kaso hindi ko rin maitatanggi na komportable akong kasama siya.
Naipapakita ko sa kanya yung tunay na ako. Yung maangas at masungit na side ko. Pero hindi ko rin maipagkakaila
na madalas akong atakihin ng mga karpintero sa puso lalo na pag kasama ko siya.TOKWA!!!! ANG HABA NG HAIR KO! DALAWANG GWAPONG NILALANG ANG NAGMAMAHAL SAAKIN!!
At hindi ito nakakatuwa, swear.
Naging ambisyosa din ako dati at hiniling na sana maranasan ko namang mahalin ng two hot gorgeous guys na
parang nasa isang Korean drama ako. Ngayon ko lang napagtanto, be careful what you wishing for, you might just
get it.Ngayon ang sakit talaga ng ulo ko!!
Mahal na mahal ko talaga si Stephen.
Ay bwiseeeeeeeeeeeeeet!
Niyakap ko si Pen-pen. Juskooo naman don’t tell me another sleepless night itong gabing to?
Tinry kong matulog and nung medyo nakakatulog na ko nakarinig naman ako ng kantahan galing sa sala namin.
“Coz when I’m with him I am thinking of you.
Thinking of you
What would you do if
You were the one who was spending the night?
I wish that I was looking into your eyes”Napabangon ako dahil doon sa kumakanta at bumaba sa salas namin, and ayun, si Kuya Myco, damang dama ang
pagkanta ng thinking of you ni Katy Perry. Nangaasar?!“KUYA MANAHIMIK KA!!!!” sigaw ko kay kuya. Gulat na gulat naman silang napatingin saakin.
“AT BAKET HA?!” sigaw niya habang nakatapat parin sa bungaga niya yung mic kaya naman lahat kami napatakip
ng tenga.“Ano ba naman Myco! Ang sakit sa tenga!!” sabi sa kanya ni kuya Sean.
“eh sorry naman! si Mica kasi bigla bigla akong pinapatahimik sa pagkanta eh!!”
“eh kasi naman kuya bat sa dinami-dami ng kakantahin mo yan pa?!” talagang nagpapatama saakin eh.
=________=“eh ano naman mali sa kinakanta ko?!”
Anong mali?! MALI DAHIL AYAN ANG NAG DEDESCRIBE SA NANGYARI KANINA SAAKIN. Tofu, oo na ako na
ang two timer!!! Ako na!!!!!“p-pangbakla kasi! Bakla ka ba?!” sigaw ko sa kanya sabay takbo papasok ng kwarto ko at lock ng pinto. Baka
![](https://img.wattpad.com/cover/100609993-288-k61393f.jpg)