chapter 59

5.4K 91 5
                                    

*plead*

[Naomi’s POV]

“ok what is it that you want to talk about? Sabihin mo na agad, busy ako”

Dinala ko si Stephen dito sa roof top ng school namin para magusap kami. Actually naawa nga ako sa kanya kasi
ang daming beses ko siyang kinagat bago ko nahatak yan dito sa rooftop. Kita ko mga pasa sa braso niya gawa ng
kagat ko. Sorry naman, may pagka bampira ako eh =__=

“Stephen, about Mama Anne---“

“aalis na ko” pag putol niya sa sinabi ko

“p-pero makinig ka naman muna kasi”

Humarap saakin si Stephen “please stop. Ayoko muna pagusapan ang bagay na yan. Hayaan mo muna ko.
Kung tungkol dito ang paguusapan natin then it’s better if umalis na ko”


Huminga ako ng malalim “t-then ok lang ba kung ang paguusapan natin is yung about saating dalawa?”

Hindi ako sinagot ni Stephen instead pumunta siya doon sa mga railings habang tinatanaw ang buong school namin.
Nilapitan ko siya at ginaya yung ginagawa niya.

Ilang minutong katahimikan. Naisipan ko ng mauna magsalita.

“Stephen, ano ba dapat kong gawin para maniwala ka saakin na mahal kita?”

Hindi sinagot ni Stephen yung tanong ko. Nagkaroon ulit ng ilang minutong katahimikan.

Grabe, napaka ganda ng paguusap namin. Kulang na lang maging pipe na kaming dalawa. Eh kung kagatin ko na
lang kaya ulit to? =__=

“wala”

Halos mapatalon naman ako sa gulat nung marinig kong magsalita si Stephen.

“wala, Nami. Wala kang dapat gawin para papaniwalain ako”


“S-stephen..”

“dahil kahit anong pilitng utak ko na maniwala, ayaw parin nitong paniwalaan ang sinabi mo. Siguro dahil
pag ang isang tao naloko to the point na halos ikamatay na nito ang panlolokong nangyari sa kanya, titigil na
to sa pakikinig doon sa taong nanloko sa kanya”

“p-pero ang puso mo Stephen, ano ang sinasabi ng puso mo?”

Tinignan ako ng Stephen then he gave me a sad smile “People’s heart is dumb so it’s better if we stop listening
to it. I already stop listening to my heart kaya kung ano man ang sinasabi nito, it doesn’t matter to me
anymore” after niyang sabihin yun, tinalikuran niya na ako.

Halos manlumo ako habang nakatingin ako sa likod ni Stephen habang naglalakad ito palayo saakin. Para bang
yung buong mundo ko ay tinalikuran ako.

Oo tama naman yung sinabi niya. Sa lahat ng sitwasyon dapat gamitin natin ang utak natin para hindi tayo masaktan.
Pero Stephen, minsan kailangan din natin pakinggan ang puso natin, kasi kahit tanga man ito, ang puso lang natin
ang nakakaalam kung saan talaga tayo sasaya.

Pero ngayon, magkatugma ang sinasabi ng puso at isipan ko. Yun ay yung gusto kitang makasama, at hindi ko
hahayaang ganito na lang tayo.

Tumakbo ako pababa ng roof top para habulin si Stephen

“Stephen!”


Hindi niya ako nililingon kaya mas binilisan ko ang takbo ko.

“Stephen wait lang!!”

Nung maabutan ko na si Stephen, bigla naman akong natapilok at naramdaman kong mahuhulog na ako sa hagdan
ng biglang may humawak sa bewang ko.

BREAK THE CASANOVAS HEART: OPERATIONWhere stories live. Discover now