[Naomi’s POV]
Dismissal time.
Buti nakatakas ako kay Stephen dahil may biglaang meeting ang mga staffers ngayon. Sabi ko sa kanya kailangan
ko ng umuwi ng maaga dahil tatawag mamaya ang mama ko saamin. Buti na lang at pumayag siya.Nung nasa meeting na si Stephen, agad naman ako pumunta sa basketball gym para puntahan si Drew.
Tofu naman pakiramdam ko two-timer ako sa ginagawa ko at ang sama sama kong babae. Wag sana kong
parusahan ni Lord =______=Pagdating ko doon sa gym, si Drew na lang ang nandoon at nagaayos na siya ng gamit niya. Mukhang paalis na
siya.“D-drew…”
Tinignan niya lang ako at ibinalik ulit ang tingin niya doon sa gym bag na inaayos niya. Galit na talaga ata siya saakin
T_______TNilapitan ko si Drew “uhmm p-pwede ba tayo magusap Drew? ”
Tumayo siya at tinignan lang ulit ako “may dapat ba tayo pagusapan?”
Napayuko naman ako. Ano nga ba ang gusto kong sabihin kay Drew? Sorry dahil sa sinabi ni Stephen? Sorry dahil si
Stephen ang kasama ko kesa siya? Sorry kasi nasasaktan siya ng dahil saakin? sorry dahil pinirmahan ko yung
contract?Tapos ano?
Wala lang. Basta sorry lang. kasi wala naman akong magagawa eh. Sa mag susunod na araw kailangan ko parin
gawin ang mga yun. Araw-araw nalang ako mag sosorry sa kanya.Ano na ang magagawa ng sorry ko?
Hindi ko alam ang sagot sa tanong ni Drew dahil sa totoo lang hindi ko alam kung may dapat pa nga ba kami
pagusapan. Nilagpasan na lang ako ni Drew at dire-diretsong naglakad paalis habang ako tinitignan na lang siyang
naglalakad papalayo saakin.Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at lumapit ulit saakin atsaka ako niyakap
“pasensya ka na sa inaasal ko Naomi. Sorry talaga ha? Hindi ko kasi maiwasang hindi masaktan pag nakikita
ko kayong dalawa ni Stephen. Yung mga ginagawa ni Stephen sayo, dapat ako ang gumagawa nun eh. Dapat
ako ang nagpapasaya at nagpapangiti sayo. At dapat ako ang taong ipagsisigawan kung gaano kita kamahal,
pero hindi ko magawa. ”Niyakap ko rin si Drew “hindi mo kasalanan Drew, ako ang may mali. Dahil sa padalos dalos kong desisyon,
naging ganito tuloy ang sitwasyon natin. Sorry Drew ha? Nasasaktan kita. I love you ”Hinimas niya yung likod ng ulo ko habang nakayakap parin siya sakin “mahal din kita Naomi, mahal na mahal na
mahal kita” humiwalay siya sa pagkakayakap saakin then he held my hand“promise ko sayo, susubukan konglawakan ang pang unawa ko. Panghahawakan ko yung sinabi mong mahal mo ko para mas mag work out pa
tayo. Alam ko naman dadating ang araw na magiging tayo rin”I nod “kakausapin ko narin si Yannie. Hindi ko narin naman talaga kayang saktan si Stephen. Kahit papaano
naging mabuti siya saakin ”“Naomi, salamat talaga ha” he smile at me “uhmm gusto mo bang lumabas ngayon? Or m-may plano kayo
ngayon ni Stephen?”I smile at him “may meeting sila ngayon and sabi ko kailangan ko ng umuwi agad. Tara gala tayo? ”
Napangiti ulit siya “talaga?” he held my hand “Naomi, alam mo bang ang saya saya ko kapag nakakakuha ako
ng mga pagkakataong magkasama tayo” naglakad kaming sabay palabas ng school “but pag hindi tayo
magkasama miss na miss kita. That’s why it made me appreciate your prescence more ”