*too late?*
[Stephen’s POV]Kanina pa nakatulog si Naomi dito sa kotse ko. Kanina parin kami na nasa tapat ng bahay nila pero di ko magawang
buhatin siya palabas ng kotse ko. Ayoko munang mawala siya sa paningin ko.Tinitigan ko ang mukha ni Naomi na mahimbing na natutulog.
“hay naku babes, kahit mukha ka na namang tibong nerd ngayon ikaw parin ang pinaka magandang babae
na nakita ko” bulong ko sa kanya then hinawi ko yung buhok sa mukha niya at tinanggal ang eyeglasses niya.Napahinga ako ng malalim. Ramdam na ramdam ko kung gaano ko kamahal ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
Siya ang nagturo saakin magmahal, at siya rin yung babaeng nagpasaya ng buhay ko. My whole life is a sh1t until
she cames. Masarap palang magmahal...pero ang sakit masaktan ng husto.
Akala ko magiging masaya na ko nung dumating siya sa buhay ko. Pero katulad din ng ibang masasayang bagay,
may katapusan. Nung sinabi niya saakin na mahal niya ko, gustong gusto ko paniwalaan yun.But I’m just too scared to take a risk.
Ayoko ng masaktan ng paulit ulit. Ang hirap na, di na ko na kakayanin. Tama na yung iniwan ako ng mom ko, tama
na yung pinabayaan ako ng dad ko.Tama na yung niloko ako ng babaeng mahal ko.
I don’t want another torture. But for the last time, gusto kong titigan ang mukha ng babaeng mahal ko para kada
pipikit ako, eto ang makikita ko. Siguro kada maalala ko siya, papaniwalain ko na lang ang sarili kong minahal niya
ko.I gave Nami one last look then bumaba na ako sa kotse ko at binuksan yung kabilang side kung saan siya nakahiga.
Bubuhatin ko na sana siya ng mapansin ko yung nasa leeg niya.Yung kwintas na binigay ko sa kanya nung araw na naging kami.
Tinanggal ko yung necklace sa leeg niya “Hindi mo na kailangan ang kwintas na to Nami. Itatago ko na lang
muna to” inilagay ko sa bulsa ko yung kwintas then binuhat ko na siya palabas ng kotse ko.Naglakad ako sa gate nila then nag door bell ako.
“ARF! ARF!!” napalingon ako doon sa gilid ng gate at nakita ko yung aso ni Nami doon
“oh wag mo ko awayin, inuwi ko na nga yung amo mo tatahulan mo pa ko.”“ARF!! ARF!!”
“tss sige awayin mo ko! Magsama kayo ng amo mo. Sinaktan na nga ako sinabihan pa ko mukhang unggoy.
Makatarungan ba yun?”“ARF! ARF!!”
“di ba lalaki ka rin Hotdog? Advice lang, wag ka na mag hanap ng girlfriend. Sakit lang yan sa puso. Mamaya
mamatay ka pa, sayang naman ang cute cute mo, ang taba taba mo pa! halatang na-o-overfeed ka na.”Bigla naman may nagbukas nung door ng bahay nila
“Hotdog bat ka tahol ng tahol?”
Napatingin ako bigla doon sa lumabas ng bahay nila. Nakalimutan ko, nakauwi na pala siya.
Bigla rin siyang napatingin saakin
“S-stephen? A-anak..”
Iniwas ko agad yung tingin ko “hindi po ako si Stephen, D-drew po ang pangalan ko. Kaibigan po ako ni Naomi,
nalasing po kasi siya kaya inuwi ko na siya”“p-pero…” naputol yung sasabihin niya ng bigla naman may lumabas ulit sa bahay nila.
It’s Nico.