chapter 56

5K 87 3
                                    

*weapon*


[Naomi’s POV]

Gabing gabi na nung makauwi ako sa bahay namin dahil it took me a while to regain myself doon sa pagkakaupo ko
sa labas ng unit ni Stephen. Sobrang pinanlalambutan ako kaya halos hindi ako makatayo doon.

Pagka dating na pagka dating ko sa bahay, sinalubong naman agad ako ni Mama Anne

“Mika, bat ngayon ka lang? alalang alala ako sayo” tinignan ko lang siya then nilagpasan ko atsaka ako
dumiretso sa kwarto ko. Narinig ko naman na sinusundan niya ako “anak, galit ka parin ba saakin? Please naman
pakinggan mo ako” naupo siya sa kama ko at tumabi saakin

“ayoko makipag usap sayo, sapat na yung nalaman ko”

“sapat? Mika hindi mo alam lahat! Wala kang alam sa mga nangyari kaya please wag kang magagalit saakin
sa isang bagay na hindi mo alam ang buong storya” hinawakan niya ang kamay ko “please Mika listen to me”

Hindi ako umimik. Siguro nga dapat ko narin malaman ang side ni Mama Anne. Oo galit ako sa kanya, pero sa isang
banda, alam kong miss na miss ko na siya at nakakadagdag na yung pagka miss na yun sa pain na nararamdaman
ko.


Naramdaman ko ang pag hinga ng malalim ni Mama Anne then nag start na siya ipaliwanag saakin lahat lahat.

“Mahirap lang ang pamilya ko noon. Nagtatrabaho ang mga magulang ko sa pamilya ni Steve, ang papa ni
Stephen. Ang tatay ko bilang driver nila, ang nanay ko naman bilang kasambahay. Doon kami nakatira sa
bahay nila noon kaya nakilala ko yung Papa ni Stephen. Araw-araw kaming magkalaro kaya naman naging
kaibigan ko siya. Ipinakilala din niya ako sa mga kaibigan niya nung nagpunta sila sa bahay. Yung papa mo,
at si Nerissa…”

Napatingin ako sa kanya “S-si mama?”

“oo, ang mama mo. Sabay sabay kaming lumaki noon. Naging matatalik ko silang kaibigan dahil tinaggap
nila ako kahit hindi naman ako kasing yaman tulad nila. Pero habang tumatagal, mas lalong napapalapit ang
loob ko sa Papa mo. Nalaman ko rin na mahal niya ko. Magiging kami na sana kaso biglang naaksidente si
tatay. Malaki ang gastusin sa ospital, hindi namin kakayanin kaya pinautang kami ng family ni Steve. Pero
hindi parin nailigtas si tatay namatay siya at ang pamilya din nila ang sumagot sa pagpapalibing ni tatay.
Nung mga panahong sinisingil na kami, wala kaming maibayad, wala kaming ka-pera pera. Pero nagulat ako
sa hinihingi nilang kabayaran..” naramdaman kong naginig ang buong katawan ni mama Anne at palabas na ang
luha sa mga nito “gusto nila ako ipakasal kay Steve. Doon ko nalaman na matagal na niya akong mahal. Iyak
ako ng iyak noon. Ayoko pero wala akong magawa. Napilitan akong iwan ang papa mo kahit mahal na mahal
ko siya. Pero ang mas masakit, ang makita kong nasasaktan siya habang wala akong magawa” napatulo ang
luha ni Mama Anne at hindi ko rin naiwasang maiyak.


Alam ko ang pakiramdam na yun. Ang makitang nasasaktan ang lalaking mahal mo habang ikaw wala kang magawa.
Feeling mo napaka walang kwentang tao mo.

“Nagpapasalamat ako dahil nandiyan parin si Nerissa. Hindi niya iniwan ang papa mo nung mga panahon na
yun kahit pinagtatabuyan siya nito palayo. But eventually, nakuha niya narin itong mahalin. Ikinasal na rin
silang dalawa, at imibitado pa ako sa kasal” pumatak na naman ang luha sa mata ni Mama Anne “parang
dinudurog ang mundo ko nung makita ko yun dahil sa tinagal tagal na panahon, mahal ko parin ang Papa
mo. Oo alam ko nung mga panahon na yun si Nerissa na ang mahal niya, pero masakit anak. Sobrang sakit.
At the same time, masaya din ako kasi hindi na siya nasasaktan. After nilang ikasal dalawa, nagibang bansa
muna sila kaya nawalan kami ng communication. Pinilit kong ibaling ang pagmamahal ko kay Steve pero
hindi ko parin nagawa. Namuhay ako ng nagpapanggap na masaya kahit sa totoo lang unti-unit akong
nilalamon ng lungkot. Buti na lang dumating si Stephen sa buhay ko. Akala ko talaga dati na hindi na ko
magkakaanak dahil hirap ako sa pagbubuntis. Stephen is my miracle. Sa loob ng sampung taon kong
nakasama si Steve, si Stephen lang ang nagpasaya ng buhay ko. Kaso dumating ang araw na kinakailangan
ko siyang iwan. Nalaman ni Steve na hanggang ngayon, yung papa mo parin ang mahal ko kaya sinaktan
niya ako. Palagi akong may sugat sa katawan gawa ng pananakit niya. Umabot sa puntong hindi ko na kinaya
kaya pinagbantaan ko siyang idedemanda ko siya. Natuto akong tumayo sa sarili ko magisa. Sampung taong
kalungkutan, sapat na kabayaran na yun sa lahat ng utang namin. Ginusto kong isama si Stephen sa pag-alis
ko kaso hindi ko nagawang kunin siya. Alam ko rin naman na hindi ko maibibigay sa kanya lahat ng gusto at
kailangan niya” napatakip si Mama Anne ng mukha “ang sakit mahiwalay kay Stephen, anak kung alam mo
lang. Walang araw na hindi ko siya naisip. Sinubukan ko siyang lapitan nun pero nahuli ako ni Steve.
Pinagbantaan niya ako na pag lumapit ako sa kanya, sasaktan niya si Stephen kaya nagpaka layo layo ako.
Nagkita kami ulit ng papa mo sa hindi inaasahang lugar. Doon ko nalaman na patay na si Nerissa kaya dinala
niya ako sa puntod nito. Naging magkaibigan ulit kami ng Papa mo, pero yung nararamdaman ko sa kanya
hindi parin nagbabago. Nandun parin yung pagmamahal, kaso mukhang mahal na mahal parin ng papa mo si
Nerissa” inakbayan ako ni Mama Anne “pero sobrang taggal na kinimkim ko ang nararamdaman ko, sinabi ko
sa kanya lahat lahat, na hanggang ngayon siya parin ang mahal ko. Wala akong ibang minahal kundi siya
lang. Sinabi niya na huli na ang lahat para saamin. Wala na siyang nararamdaman. But after two years,
natutunan niya ulit ako mahalin, at ako na ang tumayo niyong ina. Ipinangako ko sa sarili ko, pati narin sa
puntod ng mama niyo na aalagaan ko kayo na parang tunay kong anak. Mamahalin ko kayo katulad ng
pagmamahal ko kay Stephen”hinawakan niya ang mukha ko “anak, patawarin mo ko kung hindi ko sinabi sa
inyo agad. Pero maniwala ka, hindi ko ginusto iwan si Stephen. Araw araw ko siyang tinitignan nun mula sa
malayo. Sabik na sabik ako sa kanya, anak. Patawarin mo ko.. patawad”

BREAK THE CASANOVAS HEART: OPERATIONWhere stories live. Discover now