Epilogue

8K 157 19
                                    

(After 3 years)

[Naomi’s POV]

All I hear is raindrop
Falling from the rooftop
Oh baby tell me why you have to go
Coz this pain I feel it won’t go away
And today, I’m officially missing you..

“Chef Naomi mag break ka muna, ako na bahala dito”

“sige, medyo gutom narin ako eh”

Tinanggal ko yung apron at toque ko then lumabas na ko ng kitchen. Pagka labas na pagka labas ko, agad ko naman
kinuha ang cellphone ko to check kung may nag text.

No messages

*sigh*

It’s been three years simula nung umalis si Stephen. Yung nasa seaside kami at nagpalitan ng vows, yun na ang last
na pagkikita namin. Hindi ko na siya inihatid nun sa airport sa kadahilanang ayokong titigan ang likod niya habang
naglalakad siya palayo saakin.

Inaamin ko, nahirapan ako ng husto nung una. Isang linggo pa lang ang nakakalipas, halos mabaliw na ko sa
sobrang pagkamiss ko sa kanya. Ang hirap pala mahiwalay sa taong mahal mo lalo na kung nakasanayan mong
nandiyan siya palagi sa tabi mo. Halos di ako makakain nun, di rin ako halos lumalabas ng kwarto. Kada pumapasok
ako mag isa sa school, di ko mapigilan ang mapaluha. May mga times din na nagpupunta ako sa unit ni Stephen.
Ibinigay niya kasi saakin yung susi nun. Nandun lang ako, nakahiga sa kama niya. At pag feeling ko bibigay na talaga
ako, niyayakap ko si Timi habang inaalala lahat ng pangakong binitawan ni Stephen.

Pero siguro mas mahihirapan ako kung wala akong pamliya at mga kaibigan na tulad nila. Ang mga kuya ko pati
narin si mama at papa, ginagawa nila ang lahat para wag ako malungkot. Sina Kryzel naman, madalas akong
niyayaya sa galaan para iwas ang pagmumukmok. Eventually, nakasanayan ko na rin na wala siya, though yung
pagka miss ko ng sobra sa kanya, hindi nawala.

A few months after ng pag alis ni Stephen, grumaduate narin kami. Iyak ako ng iyak nung graduation day hindi dahil
masaya akong grumaduate kundi nalulungkot ako dahil di ko kasabay nag martsa ang taong mahal ko. Right after
graduation, tinuloy ko ang plano kong pag pasok sa culinary school, and like what Kryzel said, pinag igihan ko talaga
ng husto. I’ve join a lot of competition, won in different categories, and luckily, kinuha ako ng isang 5 star hotel bilang
pastry chef nila right after I graduate culinary. Dito din sa hotel na to nagtatrabaho si Kryzel as a receptionist/Front
office staff. Si Rence naman, siya na ang bar manager ng bistro nila Kryzel. Sometimes he flairs in different hotels
and bars and they pay him big. Tumatalent fee na ang loko XD. Si Alyana naman, nagtatrabaho narin doon sa beauty
shop ng family niya. Sikat na make-up artist kasi ang mom niya. At si France naman, busy humanap ng papa.
Walang trabaho =__= hahaha syempre joke lang yun. Sosyal ang bruha eh, nag training sa Singapore ng 3 months
then pagbalik dito sa Pinas, ayun pinag agawan ng mga hospitals dito para magtrabaho.

Si Drew and Jeanell? Sila parin hanggang ngayon. At kahit anong gawin nilang dalawa, di sila mapaghiwalay. Pareho
silang nagtatrabaho sa PAL as Steward/Stewardess.

Madalang na lang kami magkita kita dahil busy sa mga trabaho namin. Pero atleast twice a month, nagkakaroon
kami ng bonding time.

Kaso kulang palagi ng isa. . .

. . . .wala yung mundo ko.

Ano na ba nangyari kay Stephen? Madalas siya makipag communicate saamin. Everyday lagi siyang nagpapadala
ng message para saakin. Minsan pinapadalhan niya kami ng mga pictures sa iba’t ibang bansa na napuntahan niya.
Halata namang nag eenjoy ng maigi si Stephen sa work niya. Kaya lang…

BREAK THE CASANOVAS HEART: OPERATIONWhere stories live. Discover now