*The Cassanova is back*
[Stephen’s POV]
“Stephen wait! Please naman wag kang maglakad ng mabilis!”
“Alyana how many times should I tell you I want to be alone!!” sigaw ko sa kanya
I opened the door of my unit and nahabol naman ako ni Alyana. Hindi ko siya pinansin but instead nagtuloy-tuloy ako
sa loob at sumalampak sa kama ko.“the feeling is great!! Atlast I’m free! Makakapambabae na ulit ako!!”
“oh shut up Stephen!! Wag ka nga magpanggap!! I know you!”
I faced her “why not? Ayun naman ang latest trend ngayon di ba? Ang magpanggap” I smirked then tumayo
ako at nilapitan ko siya “magpanggap na mahal mo ang isang tao when the truth is you’re not. Well gusto ko
rin magpanggap. Magpanggap na hindi ko kilala yung taong yun”“Stephen naman, please listen to me. Kaya nagawa ni Naomi yun is para sayo din!!”
“para saakin?! Ano naman benefit ang makukuha ko doon ha?!”
“your life is in danger! Yung tatlong babae kanina, they are the daughters of a mafia group. Balak ka nilang
ipapatay and yung contract na lang ang way para ma-save ka! Pag nasaktan ka, they will spare your life.
Naomi tried everything para wag kang masaktan. Ilang beses niya narin binalak mag backout pero mahalaga
ka sa kanya Stephen at ayaw ka niya mapahamak”Natahimik ako sa explanation ni Alyana. Ewan ko ba, di ba dapat gumaan ang pakiramdam ko ngayon na alam ko na
ang dahilan? Pero @$#@%%#$ naman oh! Mas masakit!Tinignan ko siya sa mata “tell me, mahal ba ko ni Nami?”
Iniwas saakin ni Alyana ang mga mata niya “S-sorry Stephen”
“sana hinayaan niyo na lang akong mamatay kesa ginawa niyo saakin to”
“Stephen naman!” nakita kong tumulo ang luha sa mata niya pero wala na kong pakielam
“Ang sakit alam mo ba? Dahil sa ginawa niyo parang unti-unti niyo narin ako pinapatay. Ano pang
pinagkaiba nun?!”Natahimik si Alyana dahil sa sinabi ko. I just can’t believe na yung babaeng inaakala kong mahal ko eh niloloko lang
ako.Sabi na eh. Dapat pala una pa lang pinigilan ko na ang sarili ko na mahalin siya. Dahil sa ginawa ko para narin ako
nag suicide.“S-stephen…”
“Alyana please leave!”
“p-pero”
“I SAID LEAVE!!”
Tinalikuran ko na siya then narinig kong nagbukas at nagsara yung pintuan ng unit ko senyales na umalis na siya.
Nahiga ako sa kama ko at itinakip ang braso sa mata ko. Naramdaman ko na naman ang luha na tumulo galing sa
mata ko.Bwiset! Hindi naman ako iyakin eh! Sa tanang buhay ko iisang beses lang ako umiyak, yun yung panahong iniwan
ako ng lesheng nanay ko!Ang ganda talaga ng nangyari saakin, yung nanay ko inabanduna ako. Ngayon malalaman ko na tumatayo na siyang
ina ng babaeng sinaktan ako. Napakaganda. Tama ngang magsama sila! Parehong pareho sila! Manloloko!
Manggagamit! Nangiiwan sa ere! Mga puny3t@! Mamatay na sila!Pareho ko silang minahal at pinagkatiwalaan tapos eto igaganti nila saakin?! Pareho nila akong inabanduna na
parang isang pusang kalye! Sabi na eh! Dapat hindi na minamahal yang mga lesheng babae na yan! Dapat sa kanila
pinaglalaruan at ginagamit! Dahil once na ikaw ang mahulog, ikaw ang gagamitin nila at paglalaruan.
