*thunder*
[Naomi’s POV]
“..kailangan mo ng gawin ang step 9 and 10. Naomi, S-stephen’s life is in danger. Naiinip na sila. I-it’s time t-to break
the Cassanova’s heart”Right after ko marinig ang mga sinabi ni Yannie, hindi ko na nagawang magsalita pa. I click the end call button
habang yung luha ko tuloy-tuloy sa pag agos.Bakit ba nangyayari to? Bakit ko ba pinasok ang ganitong sitwasyon. Napakahirap.
“how can I save him?”
“fall in love with him”
Naalala ko dati yung sinabi saakin yan ni Yannie. Fall in love with him? Paano ko matuturuan ang puso ko?
Yes, I know lately nagiging malaki ang epekto saakin ni Stephen. Pero masasabi ko na ba na mahal ko na siya dahil
doon? Inaamin ko may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya, pero para tawagin itong pagmamahal parang
napakababaw pa nung nararamdaman ko na yun.Pwede bang bigyan niyo pa ko ng onting panahon?
Onting panahon para maturuan ko ang puso ko na mahalin si Stephen
Kinuha ko yung notebook kung saan nakasulat ang contract and binasa ko yung step 9 and 10.
9. Be his girlfriend
10. Break his heart
Ang hirap hirap naman nito. Paano ko to magagawa? Paano ko maatim na saktan ang isang lalaking wala naman
ginawa kundi ang mahalin ako?Tama bang ako ang magparusa sa kanya sa kasalanan niya dati?
Tama bang parusahan siya kung ang dahilan kaya naging ganun siya ay dahil sa pagiwan sa kanya ng ina niya at
pagpapabaya sa kanya ng ama niya?Tinignan ko ulit yung notebook at binasa yung last part ng contract.
But there is one and only rule you must abide.
Do not fall for him
If you break this rule, the operation is considered failed and you need to face a severe punishment.
Signed by: Naomi Mikael Perez
Ngayon ko na lang ulit naalala yung one and only rule na to. Dati kasi wala akong pakielam dito dahil alam ko sa
sarili ko na hinding hindi ako maiinlove kay Stephen.Pero ngayon maliligtas ko lang siya sa pain pag nainlove ako sa kanya. Kaso pag nainlove naman ako sa kanya,
may parusa na nagaantay saakin. Kung ano yun, I have no freaking idea.Ang gusto ko lang gawin ngayon ay tumalon sa tuktok ng building at mamatay para maiwan ko na lahat ng problema
ko ngayon.Ang hirap ng sitwasyon ko. Wala ng ibang butas para malusutan ko to.
Dalawa lang naman ang option ko eh: save Stephen’s life or save Stephen’s heart? Hindi ko pwedeng piliin ang
pareho, dahil ang bwisit kong puso ayaw parin tumibok para kay Stephen.Itinakip ko yung unan ko sa mukha ko habang patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.
Sh1t lang. Ayoko ng ganito. Sana panaginip na lang lahat ng ito.
Ipinikit ko ang mga mata ko at parang nakakapang asar lang kasi yung mukha ni Stephen ang nakita ko pagpikit ko.
Yung mukha niya na nakangiti ng masaya.Makangiti pa kaya siya ng ganyan pag ginawa ko na ang step 10?
Stephen, patawarin mo ko sa gagawin ko. Patawad…
Humagulgol ulit ako ng iyak hanggang sa makatulog na ako.
The next morning sobrang bigat ng pakiramdam ko. As expected, pagkagising ko magang maga ang mata ko. Para
akong sinapak sa mukha dahil sa itsura ko.