*His Feelings*
[Drew’s POV]
[A/N: first time magkaka POV si Drew! *tears of joy*]
“good morning Naomi. Wala lang, miss lang kita. Walang pasok ngayon eh. I love you”
I send the message to Naomi then tinago ko yung phone ko. It’s Tuesday morning but considered as holiday ang
araw na to saamin kasi Founder’s day ngayon and lahat sila nag out of town to celebrate. Kaya pati ang mga
estudyante, nag ce-celebrate sa pagtulog hanggang 12 ng tanghali.Pero ako maagang gumising para pumunta sa school at mag training.
By 8 am nakarating na ko sa school and mukhang wala pa yung mga kateam mates ko at ako pa lang ang unang
dumating.Kahit kelan talaga ang mga yun pasaway.
Nag punta ko sa locker room para ilagay yung bag ko then nag start na kong mag warm up para naman hindi ako
mainip ng kakahintay sa kanila.After kong mag warm up, mga hindi pa din dumadating ang masisipag na team mates ko kaya naman nag start na
kong mag laro. Puro lay-up shots lang ang ginagawa ko.*BOOOGSH*
Napahinto ako bigla ng may narinig akong kalabog na nanggagaling doon sa locker room. Nakita ko sa floor yung
trashcan na nakahiga at may mga kamay na nagtayo nito.May tao?
Baka yung mga team mates ko na, pero bakit hindi ko naman sila nakitang pumasok?
Hindi kaya magnanakaw?!
Agad akong napatakbo doon sa may locker room
“sino yan?!”
Pinasok ko ito at may nakita akong babae doon na natatarantang ligpitin yung mga tumapon na basura.
“Jeanell?”
Inangat niya yung ulo niya pero agad din niyang iniwas ang tingin niya.
“uhm, s-sorry ” sabi niya saakin then tinalikuran niya na ko.
“Wait!!” I grab her arms “kanina ka pa dito? Gusto mong manuod saakin? ”
Tumango lang siya but I saw her smile.
Sabay kaming lumabas ng locker room and pumunta sa basketball court. Naupo siya sa may bleachers and ako
naman nag start na ulit mag practice.Ganito kami madalas ni Jeanell. Lagi niya akong pinapanood dati. Yun nga lang dati, may kasaman cheer, ngayon
she’s trying her best to avoid my gaze.Eversince that day, hindi na naging normal ang friendship namin.
Eversince inamin niya saakin na mahal niya ko.
I know, I have to turn her down because hinihintay ko si Naomi. Mahal ko talaga si Naomi and alam kong handang
handa akong maghintay sa kanya. Kahit maraming beses na akong nasasaktan.“bakit siya pa ang minahal mo? Bakit hindi ako? Bakit kahit nasasaktan ka na patuloy mo parin siyang
minamahal? Bakit ka pa naghihintay kahit nakikita mong Masaya siya kasama si Stephen? Bakit Drew?
Bakit?”Ayan ang mga sinabi saakin ni Jeanell nung araw na pinagtapat niya ang nararamdaman niya. Sa totoo lang,
tagustagusan ang mga salitang yun saakin. Tama ang sinabi niya. Nagpapakatanga talaga ako. Pero patuloy parin
ako sa paghihintay…dahil mahal na mahal ko si Naomi.
Napahinto ako sa pag shoot ng bola then tinignan ko si Jeanell. Agad naman nitong iniwas yung tingin niya saakin.