SMOKE IN HER EYES
Chapter 6
Alad nueve na ng umaga nang magising ako. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at kinuha iyon, nag type kaagad ako ng message doon para kay Anri.
"Good morning Anri." May emoji pang kasama 'yong text ko sa kanya.
Bumangon ako at isinilid sa bulsa ko ang cellphone ko bago ako bumaba para mag almusal, inabutan kong tahimik na kumakain na ng magkasabay si Club at si Clovis, nakaalis na daw si Dad para ihatid si Jack sa School palibhasa ay tanghali na daw kaming nagsigising.
Inabutan ako ni Clovis ng plato at kumuha ako ng kanin mula sa rice cooker. Si Club mukhang antok na antok pa, baka nauna pa akong matulog don kahit puyat din ako eh palibhasa lagi 'tong "isang episode nalang" hanggang matapos na niya buong season. Maaga pa kasi ang gising niya kumpara kapag weekends, may pasok pa din yata ang isang 'to, kapag kasi weekends ay ala una na ng hapon kung bumangon si Club. Si Clovis mukhang sabog din eh. Nang maupo ako sa tabi ni Club ay wala din akong imik, para kaming adik na tatlo na nag p –prayer meeting.
Nang matapos kaming kumain ay si Clovis ang naghugas ng pinagkainan naming tatlo, si Club naman ay dumeretso na ulit sa kwarto niya, mukhang may pasok pa nga ang isang 'yon, ako naman ay nahiga ulit sa sofa sa sala. Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko kaya kinuha ko iyon.
"Good morning din Spade." Reply niya, tang ina napabalikwas ako nang mabasa ko eh.
Tinanong ko siya kung kumain na ba siya at tinanong ko din ang tungkol sa tulog niya, kakagising lamang niya kagaya ko at may shift siya mamaya sa café. Parang gusto kong magkape mamaya kahit pa ba mag palpitate ako o kaya kakain nalang ako ng kakain ng sweets na meron sila doon, ang problema ko lang din ay may klase ako mamaya, tang ina sala sa schedule.
-
Hindi ako nag paawat sa pagpunta sa café kinahapunan, nag absent ako sa isang klase ko para lang puntahan si Anri, tang ina yari ako kay Dad kapag nalaman niya 'to.
Medyo makulimlim sa labas pero pakiramdam ko agad na nagliwanag iyon nang makita ko si Anri na nakangiti sa'kin. Grabe ang cute cute niya talaga.
"Hi." Bati ko sa kanya.
"Hi, pa out na ako malapit na." Sabi niya habang nakangiti pa din sa'kin. Kung tama ang interpretation ko ay nagpapahintay ba siya sa akin? Tang ina.
"Sige, hintayin kita." Sabi ko at ibinalik ko yung ngiti niya sa'kin.
"Cool. Anong order mo?" Tanong niya. Tama yung interpretation ko, nagpapahintay nga siya sa'kin, deym.
"S'mores ulit tsaka vanilla frappe." Sabi ko.
"Ah, nag papalpitate kasi sa kape, anong size ng drink mo?" Tanong niya.
Hindi ako nakasagot kaagad dahil napatitig ako sa kanya, naalala niya 'yon? Shit.
"Anong size ng frappe mo?" Ulit niya.
"Ah, l –large na."
"Anything else?" Tanong niya.
"Yun nalang muna."
"Okay, deliver ko nalang sa'yo." Sabi niya, nang makapag bayad ako ay naupo ako sa may inupuan ko noon, nang makaupo ako ay dinama ko ang dibdib ko, tang ina naaalala niya yung maliit na bagay tungkol sa akin na bahagya ko ng masabi sa kanya noong nakaraang araw. Tang ina ang sama nito ah, umaasa yata ako.
"Dude, maliit na bagay lang 'yon."
Nang maideliver na sa'kin ni Anri yung order ko ay hindi siya nagtagal, inilapag niya lamang talaga iyon sa lamesa ko at nagpaalam na ulit siya dahil may dumating na customer.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.