SMOKE IN HER EYES
Chapter 9
"Spade?" Rinig kong sabi ni Anri pero hindi ako kumibo sa pagkakayakap ko sa kanya, mas niyakap ko pa nga siya. Ang dami kong nararamdaman at hindi ko na alam kung anu –ano ang mga iyon pero gusto ko lang umasa talaga.
"A little bit longer, payakap lang ako ng ganito." Bulong ko tapos isinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. Damn, ang bango niya.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso kong nakapaikot sa kanya, parang ayaw ko ng matapos ang mga sandaling iyon, hindi ko na namalayan kung gaano ko siya katagal na niyakap. Nang maghiwalay kami ay pareho kaming hindi nagsasalita, nakaupo lamang kaming dalawa doon at parang naghihintayan sa susunod na gagawin ng isa't –isa.
"Pasok na tayo." Suhestyon ko.
"Uhm Spade?" Tawag niya sa'kin.
"Ano 'yon?"
"Yung bayad sa dinner, yun ba 'yon?" Alanganin niyang tanong sa'kin, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng pisngi niya. Tang ina hindi ko mapigilang umasa.
"Sa kanin palang 'yon." Biro ko tapos ngumisi ako, automatic na lumipad sa braso ko yung isang hampas na mula kay Anri at tumawa lamang ako sa reaksyon niya, yumuko siya at nang yukuin ko din siya upang tagpuin ang mga mata niya ay nag iiwas tingin lamang siyang lalo sa'kin, hinahabol ko naman ang mga mata niya ng sarili kong mga mata.
Ang cute niya grabe.
"Spade naman eh!" Sabi niya tapos tumayo siya at naglakad papasok ng bahay. Kinuha ko naman ang gitara ko at mabilis na sumunod sa kanya, automatic din na umangat ang braso ko at umakbay sa balikat niya. Sa pagkakataong iyon ay nagkasalubong kami ng tingin, pareho kaming napatigil sa paglalakad at nanatiling nakatitig sa isa't isa.
Para akong namamagnet sa kanya bigla, unti –unting bumaba ang mukha ko papalapit sa kanya, dahan dahan niyang ipinikit ang mga mata niya. Malakas ang bayo ng puso ko sa dibdib ko at punong puno iyon ng antisipasyon.
"Spade!" Narinig naming dalawa at mabilis kaming naghiwalay. "Spade! Kakausapin ka daw ni Dad!" Si Club ang tumatawag sa akin.
"Shit." Mura ko. Nauna na namang pumasok si Anri sa'kin sa loob ng bahay at sumunod naman ako, nang makita ako ni Club ay inihagis sa'kin ang cellphone niya at inaya nito si Anri sa kitchen para kumain daw ng ice cream, kasunod ng mga ito si Jack na naka pajamas na.
Tang ina muntik na sana eh, kiss na naging bato pa. Napailing nalang ako sa panghihinayang bago sagutin yung tawag ni Dad habang tinatanaw ko si Anri, si Club at si Jack sa kitchen.
-
Ibinalik ko kay Club yung phone niya at inabutan niya naman ako ng mug, kumain din daw ako ng ice cream, kumuha naman ako dahil paborito naming lahat ang pistachio na flavor ng ice cream.
Sumulyap ako kay Anri na parang biglang tumahimik nang sumalo ako sa kanila gayong kanina habang kausap ko si Dad ay magiliw ito kay Club at Jack, himala nga at parang nag bibigay ng atensyon dito si Jack gayong matindi –tindi ang sayad ng isang iyon.
"Thanks sa hapunan at sa ice cream guys, medyo gabi na kaya uuwi na ako." Sabi ni Anri nang matapos kaming kumain ng ice cream.
"Uuwi ka na? Maaga pa ah." Sabi ni Club.
"Oo, may tatapusin pa din kasi akong project eh." Sabi ni Anri.
"Bye bye Anri, balik ka." Sabi ni Jack tapos kumakaway na itong kaagad kay Anri.
"Oo nga, balik ka ah." Sabi naman ni Club dito tapos ay bumaling sa'kin. "Bukas ulit ng gabi dito kayo mag dinner."
"Naku salamat, pero may part time job ako bukas eh." Apologetic na sagot ni Anri.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.