Chapter 17

5K 212 137
                                        


SMOKE IN HER EYES

Chapter 17

Napabuntong hininga ako habang nag s –set up ng gamit namin. Kung noon kasi ay dumalang na ang pagkikita namin ni Anri ay lalo na ngayon, halos isang beses nalang kami sa isang buwan magkita, ang masaklap pa doon ay dumadalang na din ang pag uusap naming dalawa, sa tuwing nagkakausap pa kami minsan ay nauuwi kami sa pag aaway, lalo na sa tuwing makikita niya sa mga pictures namin na kasa –kasama namin si Maria. Hindi ko naman sinasadya iyon lalo na ang mga pictures na ini –upload ng mga kolokoy na ito, nahihiya din naman ako na magsabi kay Clovis na huwag na niyang isama ang kapatid niya.

Maganda ang itinatakbo ng career ng banda pero may isang parte ng sarili ko ang hindi masaya sa nangyayari. Nilatagan na kami ng kontrata nung recording company na pinagpasahan ni Clovis ng kanta namin, tapos yung album pa na pinaghirapan namin eh ilalabas na din. Pa front act –front act na din kami sa ibang mga banda na under din ng kapareho naming recording company simula non at medyo lumalayo na din yung mga gig namin. Kung dati sa mga bars at restaurants lang around ng university ngayon medyo nagiging big time na kami, natugtog na din kami sa mga malls, mas malaki na din ang bayad.

-

"Kasama niyo na naman si Maria." Bungad ni Anri sa akin nang tawagan ko siya. Hindi man lang nag "Hello" sa akin. Napailing na lamang ako. Pang ilang tawag ko na 'to kay Anri, nasa may Tarlac kami dahil sa isang mall show at sa hotel na kami magpapalipas ng gabi, may pa – after event party bigla yung isa sa mga kasama namin eh, mukha kasing type si Clovis nung bokalistang babae.

"Huh? Eto na naman ba tayo Anri? Minsan na nga lang tayo magkausap eh."

"Minsan na nga lang tayo magkausap, iyon na nga eh, mas madalas mo pang kasama at kausap si Maria kaysa sa akin na girlfriend mo."

"Ikaw naman yung mahal ko kahit pa ba wala ka dito."

"Siguraduhin mo lang Spade."

Naiimagine ko na nakasimangot na si Anri at salubong na ang kilay niya at nanghahaba na ang nguso niya.

"Sigurado po ako, uuwi ako bukas, dyan ako dederetso sa apartment mo kaya wag kang aalis dyan, mag isip ka na ng lahat ng idadahilan mo sa mga part time job mo dahil hindi kita pakakawalan bukas, kiss kita ng sobrang dami, I terribly miss you."

"Hmph, oo na may sakit ako bukas dahil sa'yo."

"Nice, ang lakas ko talaga."

"I miss you too."

Napangiti ako at mas na excite na umuwi, mula nang ma release yung album ay bukas at sa susunod na dalawang araw lamang ang bakasyon namin dahil magiging tuluy –tuloy na ang pag tour namin sa kung saan –saan, sa susunod na buwan nga ay may gig kami sa ilang mga universities.

"Mas miss kita Princess Leia."

"Sige na Han, miss mo na nga ako."

"Ano po? Hon? As in honey? Naks ang sweet naman n'on."

"Hindi, Han Solo 'yon at wag mo nga akong inaasar kung ayaw mong maging solo."

"Ay opo, behave lang ako."

"'Yan good dahil may surprise ako sa'yo bukas."

Napangiti nalang ako at mas naramdaman ko ang pagkasabik ko sa pag uwi.

-

Masaki tang ulo nang magising ako, parang umiikot ang paligid ko at wala akong makitang maayos, mariin kong ipinikit ang mga mata ko at hinilot ang sintido ko. Nang bumangon ako ay natalapid ako, nang tingnan ko kung saan ako natalapid ay nanlaki ang mata ko. Tang ina, kaninong bra 'to?! Napabaling ako sa kama at nakita doon ang isang bultong hindi ko kilala! Mabilis kong sinuri ang sarili ko, narealize ko na nakadamit pa naman ako, naka pantalon, may sinturon pa at may medyas pa, sapatos lang ang natanggal, nayakap ko bigla ang sarili ko at napasalamat nalang dahil hindi ako napagsamantalahan, pero tang ina sino kaya 'tong babae na 'to eh? Nakadapa siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya, wala na yatang damit 'to eh.

Smoke In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon