Chapter 4

6.3K 232 68
                                    


SMOKE IN HER EYES

Chapter 4

Napakamot ulo nalang si Dad nang magsabi ako sa kanya na hindi ko na siya masasamahan sa pamimili, itinigil pa naman daw niya ang paglilista ng mga bibilhin kagabi para sa akin pero iiwanan ko lamang naman daw pala siya. Tsk, nangongonsensya na naman siya pero hindi ako nag paapekto, walang makakapigil sa akin ngayong araw sa pakikipag kita ko kay Anri.

"Ganbare Onii –chan!" Si Jack na kumakaway kaway pa habang may hindi maipaliwanag na labi sa mukha niya, creepy na ewan as usual. Hindi ko na naman masyadong pinansin pa dahil alam ko naman na hindi sincere ang isang 'yon sa mga sinasabi niya.

-

Wala pang alas dies ng umaga ay nasa harap na ako ng café, hindi na ako pumasok dahil gusto kong makita ko kaagad si Anri, nag text siya sa akin kanina na on the way na siya kaya ilang sandali nalang makikita ko na ulit siya.

"Spade!" Si Anri, nakangiti siya sa'kin tapos tumatakbo siya habang may dala siyang malaking backpack.

Naglaho lahat ng bagay sa paligid, si Anri nalang ang nakikita ko, ang mga building at stores ay naging isang malawak na field na punung puno ng wild flowers, nag slow motion din yung pagtakbo ni Anri papunta sa akin habang ako ay naghihintay sa kanya. Naka lugay ang buhok niya at magulo iyon ng bahagya, naka mahabang blusa siya naumaabot sa kalahati ng mga hita niya at naka ripped jeans siya tapos naka chucks. Muli kong napansin ang eyeliner niya, bukod sa eyeliner ay wala na siyang make up.

"Hi." Bati ko sa kanya nang tumigil siya harapan ko.

"Hi, maraming salamat talaga sa pagtulong mo sa'kin tsaka pasensya na din sa abala." Simula niya.

"Hindi, ayos lang wala 'to" Sabi ko.

"Sandali ibibili kita ng kape."

"Wag na." Awat ko sa kanya.

"Hindi okay lang, nakakahiya naman kasi sa'yo eh."

"Okay lang, saka hindi ako masyadong nagkakape eh, nag pa –palpitate kasi ako eh." Ngumiti ako sa kanya.

"Ah, kaya pala hindi mo halos naubos yung order mong cafe mocha kahapon."

"Oo eh."

"Sige hindi nalang coffee based ang bibilhin ko." Sabi niya pero pinigilan ko lang ulit siya, ihinarang ko lang yung sarili ko sa may entrance ng café.

"Wag na Anri, mamaya nalang."

"Okay."

Sumang ayon na siya sakin tapos inaya na niya ako na pumunta sa isang recording studio na hindi kalayuan sa may café. Medyo luma na yung lugar tapos tago pa siya, parang wala na masyadong pumupunta, di hamak na mas magaganda at mas bago ang mga gamit doon sa studio na pinupuntahan namin nila Clovis. Marami ding mga plaka na mukhang mas matanda pa sa amin ni Anri.

Kagabi ay may mga sinabi siya sa akin na kanta na gusto niya sanang gamitin sa video niya, itinanong niya sa akin kung alam ko daw ba ang mga iyon, hindi ko gaanong alam pero pamilyar naman ako, yung isa Blackbird ng The Beatles saka Love Me Tender ni Elvis Presley, walang problema yun kasi classic na yung mga 'yon tapos yung isa pinagpuyatan kong matindi, pinakinggan at pinagaralan sa gitara kasi first time kong narinig, To the Sea by Seafret, tang ina feels, may pang sa dibdib eh.

Ipinakilala ako doon sa may ari ng studio na si Kyle, katrabaho pala ni Anri si Kyle doon sa café dati, tapos minsan part timer na taga bantay din si Anri doon sa studio. Tsk, dami talagang sideline.

"Marunong ka bang kumanta?" Tanong niya sa'kin habang inilalabas niya yung laman ng bag niya.

"Hindi gaano, si Clovis kasi talaga ang kumakanta sa'min eh." Sabi ko.

Smoke In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon