SMOKE IN HER EYES
Chapter 19
Lumalim ang pinagsasaluhang halik namin ni Anri, habang tumatagal ay mas lalong nagiging mapusok iyon.
Nang sabihin ko kanina sa kanya na hindi pa ako tapos ay lumapit ako sa kanya at hinalikan siya, nang hindi ko naramdaman ang pagtutol mula sa kanya ay sinamantala ko iyon para palalimin ang halik at ngayon nga ay nakahiga siya sa sahig habang nakapakubabaw ako sa kanya.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko at nakapagpagising iyon mula sa pangangarap ko, tang ina imahinasyon. Tumingin ako kay Anri na kumakain pa din ng pizza, hindi siya sumagot mula sa sinabi ko kanina. Nanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa.
"I know I'm selfish and cruel;
I know you deserve someone better
And I promise you I'd be better
I want you, I love you, I always will."
Sinabayan ko ng salita ang lyrics ng kanta at napansin ko ang pagtigil niya sa pagkain, tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumabi sa kanya, akma siyang lalayo pero agad ko siyang pinigilan, hinakawan ko ang tagiliran niya at kinabig ko siya papalapit sa akin.
"Nasa gig ka kanina." Simula ko.
"Napadaan lang ako." Sabi niya.
"Liar. Bumili ka ng album namin." Dagdag ko at mas lalo ko siyang kinabig, napatuon na ang kamay niya sa dibdib ko, halos nakakandong na siya sa hita ko.
"Bakit? Bawal ba akong bumili ng album niyo?" Sabi niya habang nakayuko, ayaw niyang tagpuin ang mga mata ko.
"Hindi ko sinabing bawal, so what do you think? Ayos ba ang first album namin?" Tanong ko, hinawakan ko ang baba niya para itaas ang mukha niya sa akin pero lalo lamang siyang yumuyuko.
"Spade, don't do this." Bulong ni Anri.
"Take me back Anri." Deretsong sabi ko, humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Spade, please don't do this." Sabi niya.
"I'm desperate Anri, I'm miserable, napakinggan mo na naman siguro ang mga kanta sa album namin, most of them, most of them are ..."
"I know." Putol niya sa sinasabi ko. "I felt that."
"Anri, ayaw kong mangako ng kahit ano, ayaw kong sa huli ay babalik lamang ang mga sinabi ko sa akin dahil hindi ko napanindigan, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataon, alam ko mahal kita, kung hindi pagmamahal ang tawag sa nararamdaman ko ay hindi ko na alam kung ano ito."
Hinaplos ko ang pisngi niya at hinalikan siya sa noo.
"Okay lang kung hindi ka pa sumagot ngayon, okay lang kung hindi pa tayo ulit agad pero sana hayaan mo ako na ipakita at iparamdam sa'yo ang damdamin ko, liligawan na muna ulit kita, walang problema sa'kin 'yon."
"Hindi ka nga nanligaw eh." Sabi niya tapos nanghaba ang nguso niya, mabilis ko siyang dinampian ng halik sa labi, at mabilis din na humampas sa dibdib ko ang kamay niya. "Akala ko ba manliligaw ka? Bakit nanghahalik ka na kaagad?"
"Sorry, sobrang miss lang talaga kita, pero hindi pala ako nanligaw? Sige hayaan mo Padme, liligawan kita ng matindi ngayon."
"Sorry din, sorry kasi hindi ako nakinig sa paliwanag mo, sorry din kasi sarili ko lang ang naisip ko."
"Shh, it's okay, naiintindihan naman kita pero ipangako natin sa isa't isa na pakikinggan na natin ang kung ano mang dahilan at katwiran ng bawat ng isa t huwag tayong magpadaig sa mga nakapaligid sa atin, okay ba?" Hinawi ko ang buhok niyang bahagyang humaharang sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.