SMOKE IN HER EYES
Chapter 2
Hindi ko na napansin na lumabas pala ako ng bahay ng naka tsinelas nalang, bastahan na kasi akong umalis. Namalayan ko na lamang na naglalakad na pala ako pabalik doon sa cafe na pinag tatrabahuhan ni Anri.
Nang tingnan ko ang cellphone ko para i -check ang oras ay may message ako galing kay Club. Napangiwi ako nang basahin ko ang message niya.
"Nag d -drugs ka na ba ngayon? Lutang ka eh at mukha ka ding basag, umuwi ka kaagad, kapag di ka umuwi kaagad ipapatokhang kita!"
"Ibibili na kita ng pagkain ipapatokhang mo pa ako, baka ikaw ang damputin nila at hindi ako kapag nakita ka nila!" Reply ko lang tapos emoji lang yung nireply niya sa'kin. Adik talaga 'yon eh.
Pumasok ako sa loob ng cafe at agad kong nakita si Anri sa may counter.
"Spade, nandito ka ulit." Bati ni Anri sa'kin habang nakangiti siya. Alanganin din naman akong ngumiti sa kanya.
"Ah eh, gusto daw kasi ng s'mores ng kapatid ko eh, nagpabili lang sa'kin." Putsa, sinungaling mo Spade.
"Ganun ba? Ilang s'mores?" Tanong niya, napansin kong yung kasama ni Anri nakaupo lang doon sa isang galid at nag c -cellphone, walang pakialam sa nangyayari. Si Anri naman ang cute niya. Ang cute niya talaga.
"Apat lang."
Nang iabot na niya akin yung s'mores eh nag alangan pa ako na kuhanin yon, kasi ang bilis naman niyang naihanda yung order ko.
"Balik ka ulit ha." Sabi niya
"Sige, babalik ulit ako." Tumingin ako sa relo ko at kalahating oras nalang mag out na siya, tang ina gusto kong maghintay pero nakakahiya naman at masyado naman yatang obvious kung hihintayin ko siya.
Lumabas na ako ng cafe at nagpalinga -linga sa paligid, pumasok ako sa isang bookstore na dalawang store lang ang pagitan mula sa cafe, makikita ko si Anri kung sakaling lalabas na siya.
Para akong stalker na kunwari nagbabasa perro nakatakip lang talaga yung libro sa kalahati ng mukha ko habang naka abang sa pag labas ni Anri.
Mga twenty minutes na siguro akong naghihintay doon, ilang minuto nalang, konting -konti nalang, naka focus ako doon sa cafe nang biglang may bumangga sa salamin sa harap ko at nahulog yung libro na props ko.
"Tang ina." Hindi ko napigilang sabihin ng makita ko kung sino yung dumaplak doon sa glass wall ng store. Si Jack, yung isa ko pang kapatid.
"Anong ginagawa mo dyan?" Naka type sa cellphone na tanong sa akin at itinaas niya doon sa glass wall ng store. Sinenyasan niya akong lumabas, ibinalik ko sa dati yung arrangement ng mga libro at lumabas na ako.
"Adik ka ba ha?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang adik, kanina pa ako sa harapan mo di mo ako napapansin eh hindi ka naman nagbabasa, saan ka ba nakatingin?" Tanong niya sa'kin tapos bumaling siya sa tinitingnan ko kanina, sakto naman na lumabas si Anri mula doon sa cafe.
"Umuwi ka na, dalhin mo 'to kay Club." Sabi ko tapos iniaabot ko sa kanya yung paperbag na may lamang s'mores.
"Bakit ako magdadala niyan? May pupuntahan pa ako saka ikaw ang umuwi na, palagi kang late na umuuwi."
"Tss, basta umuwi ka na."
"Ayoko nga, ikaw ang umuwi na tapos iuwi mo na din 'to sa bahay." Sabi ni Jack tapos iniabot niya sa'kin yung bag niya na hindi ko naman kinuha.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.