SMOKE IN HER EYES
Chapter 1
You can always notice a real beauty even when she's in distress, even if it seems that she's not even there if you only choose to open your eyes broadly.
Sumasakit na ang mga daliri ko sa kakatipa sa gitara, maghapon na kaming nag p –practice ng mga kabanda ko ng mga tutugtugin namin para sa gig namin mamaya, suma –sideline kami kapag weekends sa mga bars, cafes at restaurant na malapit sa university, sayang din naman kasi ang kita isa pa eh talagang hilig na din namin ang pagtugtog, medyo matagal na din naming ginagawa 'to ng mga kabanda ko nagsimula kami noong nag first year kami, sumali kami sa organisasyon ng mga nagbabanda sa university tapos mga nagbabanda na din kami nung high school, may mga sari –sarili na din kaming banda dati, itinuloy lang namin sa college pero yung dalawa naming kabanda ay bago lang, yung drummer at rhythm guitarist namin, nag transfer na kasi yung drummer eh, yung rhythm guitarist naman namin eh nag quit, tang ina kasi eh, syinota ni Clovis tapos di naman sila nagtagal, naghiwalay din eh kaya nag decide na din kami na huwag nalang kumuha ng babae na kabanda, hino –hokage eh. Si Clovis yung bokalista namin saka lead guitarist, minsan palit sila nung rhythm, ah basta depende sa hype.
"P're last song na tapos rekta na tayo sa bar." Sabi ni Clovis.
Tumango naman kami, narinig namin ang hampas ni Kevin sa cymbals as count.
Inayos na namin ang mga gamit namin nang matapos kaming mag jam, bitbit ang lahat ng gamit namin ay dumeretso na kami doon sa bar, kakilala namin yung may ari ng bar, medyo napapadalas kasi ang tambay namin doon eh hanggang sa inalok niya kami na tumugtog doon every weekend.
Karaniwan sa gig namin si Clovis lang yung napapansin, lalo na yung mga babae, tang ina kasi netong gagong 'to eh, ang gwapo masyado, kahit lalaki ka masasabi mo agad na gwapo siya eh, noong nagsabog si Lord ng gandang lalaki sinalo na yata lahat ng lokong 'to. Parang pag nagkagusto sa kanya syota mo wala ka nalang magagawa bigla eh, surrender ka nalang din. Napailing na lamang din ako dahil doon. Hindi naman nang aagaw o sinasamantala ng lokong 'to ang mga bagay t ginagamit ang hitsura lang, kauntian lang.
Agad kaming nag set up tapos kumain muna kami at saka kami pumwesto, medyo maaga pa kaya wala pa masyadong customer.
Nang magsimula kami ay napansin ko si Vincent, yung may ari ng bar na may kinakausap na babaeng naka puting polo, may apron siya sa harapan at may name plate sa may dibdib, isa siguro siya sa mga empleyado ni Vincent, mukhang pinagsasabihan ni Vincent kasi nakayuko na sya. Pamilyar sa'kin yung babae, baka school mate namin pero hindi lang ako sigurado, baka naman nakikita ko lang din siya dito.
Nagpatuloy lang kami sa pagtugtog, nang maka limang sunud - sunod na kanta kami ay tumanggap kami ng ilang mga requests. Napansin ko ulit yung babae na nakatingin sa'min, isa yata siya sa mga waitresses. Napabaling ako kay Clovis at kitang -kita ko na kinindatan niya yung babae, bumaling naman ako doon sa babae at natawa ako dahil tumingin siya sa likod niya, hinahanap yata kung sino ang kinindatan ni Clovis, tapos tumalikod sya at pumasok na doon sa loob ng counter nang mapansin niyang napakadaming babae sa likuran niya na nakatingin din kay Clovis.
-
Pasado ala una na ng madaling araw at papasara na din yung bar, kakatapos lang naming magligpit ng mga instruments namin. Kumakain si Kevin at si Aaron doon sa may counter, si Clovis naman kausap ni Vincent.
Nakita ko ulit yung babae doon sa may exit sa likod, naglalabas siya ng basura, lumapit ako sa kanya para tulungan siya.
"Hi, tulungan na kita dyan." Sabi ko sa kanya at inagaw ko na yung trash bag.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.