SMOKE IN HER EYES
Chapter 13
Halos isang buwan na kami ni Anri na mag –on, so far okay naman ang lahat at wala naman kaming nagiging problema maliban nalang sa mga maliliit na bagay tulad ng lagi kong pangungulit sa kanya.
Madalas na din akong tambay sa apartment niya na ikinaiinis niya minsan dahil nahihiya siya sa mga kapatid ko at pati kay Dad kahit pa ba hindi nila alam kung saan ako pumupunta kapag hindi ako umuuwi, hindi pa din kasi nila alam na kami na ni Anri. Wala namang nagtatanong eh, kahit sa banda wala din akong pinagsasabihan, si Anri ay ganoon din, ang katwiran niya eh basta daw ba nagkakaintindihan kaming dalawa eh wala ng pakialam ang ibang tao dahil hindi naman daw sila kasali sa relasyon naming dalawa.
Sa tuwing magkasama kaming dalawa ay naka focus lamang kami sa isa't isa, hindi naman kami laging magkadikit dahil sa kanya kanya naming mga commitments, ang dami niyang sideline, ako man ay meron din, sa school ay hindi din kami masyadong nagkikita dahil magkaiba naman ang schedule namin pero minsan ay hinihintay ko siya doon sa tindahan nila Mang Noel, natutulog na lamang ako doon sa mahabang upuan doon o kaya naman ay pagkatapos nalang ng mga klase namin at kanya kanyang gawain kami nagkikita, isa pa din iyon sa mga dahilan kung bakit talagang tumatambay ako sa apartment niya.
-
Nag practice kami nila Clovis kanina, dalawang oras din kami sa studio tapos kanya –kanyang alisan na din, si Aaron at si Kevin ay may klase, si Clovis naman ay may lakad pa daw siya habang ako naman ay pupunta sa studio ni Kyle dahil nandoon si Anri.
"Anri?" Tawag ko nang pumasok ako sa loob. Ibinaba ko si Kate, ang bass guitar ko sa may gilid at isinandal iyon ng maayos at kinalangan ko pa para siguradong hindi maaaksidente and first love ko.
"Here!" Sigaw niya.
Iniikot ko ang tingin ko sa paligid, ineexpect ko na nandoon si Kyle pagdating ko pero si Anri lamang ang naroon at halos matabunan na ng napakaraming records. Nakataas ang isang kamay ni Anri at saka ko lamang nakita na nandoon pala siya sa dulo at nakaupo sa sahig habang inaayos ang mga vinyl records doon.
"Hi." Sabi ko tapos naupo ako sa harapan niya at inabutan siya ng dala kong kape. Dumaan ako sa café nila at ini –order siya ng kape at s'mores.
"Thanks." Sabi niya tapos kinuha niya yung s'mores at kumagat doon, sinubuan niya din ako at hindi naman ako tumanggi, nang makita kong may kumalat na s'mores sa gilid ng labi niya ay inilapit ko ang mukha ko sa kanya at dinilaan ang gilid ng labi niya para linisin ang amos niya.
"Spade!" Nabiglang sabi niya sa ginawa ko.
"What?" Tanong ko habang nakangisi.
"Ang naughty mo." Sabi niya tapos hinampas niya ako sa braso tapos ibinalik niya doon sa box yung s'mores na dala ko at itinuloy yung pag aayos niya ng mga vinyl. Tinulungan ko siya sa pag aayos ng mga vinyl pero di hamak na mas mabilis siya kaysa sa akin dahil mas nauubos yung oras ko sa pagtitig lamang sa kanya.
Magulo na ang naka ponytail na buhok niya at kumalat na ang itim niyang eyeliner sa mata, nagmistula na iyong shadow at usok at abo sa mga talukap niya. Naisip ko bigla yung kantang "Revelator Eyes", Naka Indian seat siya doon, nakasuot siya ng straight cut ripped jeans na kupas, naka puting chucks siya habang naka suot ng itim na t –shirt na may naka print na "Eating chill pill for breakfast."
Para akong na mesmerize, I'm completely under her spell, wala pa man siyang ginagawa ay mabilis ng tumitibok ang puso ko.
Hinawakan ko ang braso niya at ipinaling siya sa'kin, walang pasabi na hinalikan ko siya sa labi. Narinig ko ang pagsinghap niya pero agad din naman niyang sinuklian ang halik ko sa kanya kaya ipinagpatuloy lamang namin iyon hanggang sa nahila ko na siya paupo sa kandungan ko at nakasandal na ako sa pile ng vinyl records na inaayos namin kanina habang nakasalampak sa sahig, ang mga kamay ko ay naglalakbay sa likuran niya sa ilalim ng cool niyang t –shirt, habang ang kanya naman ay humahaplos at sumasabunot sa buhok ko pababa sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romansa[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.