Chapter 16

5K 210 118
                                        


SMOKE IN HER EYES

Chapter 16

Pinuntahan ko si Anri sa café na pinag tatrabahuhan niya na malapit lang sa bahay, kakatapos lamang ng shift niya at ihahatid ko na din siya pabalik sa apartment niya.

Alanganin siyang ngumiti nang makita niya akong naghihintay sa labas ng café at ganoon din naman ako sa kanya. Tinanong ko siya kug gusto niyang kumain at sinabi niya na bumili na lamang kami ng take out at sa apartment na kami kumain, mas gusto daw niyang magpahinga na.

"Anri, doon sa kanina ..." Simula ko habang kumukuha kami ng snacks sa isang convenience store pero agad ding naputol ang sasabihin ko nang mag -ring ang cellphone ko. "Clovis, bakit?" Sagot ko, patuloy si Anri sa pagkuha ng snacks pero alam kong nakikinig siya sa usapan namin ni Clovis.

"Ngayon na?" Tanong ko kay Clovis, pinapapunta niya ako sa studio may ipaparinig daw siya sa'kin na compo.

"Ah sige sige, sandali lang." Pumayag na ako dahil ang mga ganitong pagkakataon na hype na hype si Clovis ay mahirap palampasin, siya kasi yung tipong kapag nasa mood ay sobrang daming nagagawa at naiisip.

"Okay lang." Sabi kaagad ni Anri nang ibaba ko ang tawag wala pa man akong sinasabi sa kanya.

"Ah eh, ano si Clovis kasi eh, may bubuoin daw kami na kanta eh." Sabi ko kay Anri.

"Okay." Sabi ni Anri tapos ngumiti siya ng bahagya sa akin. "Tawagan mo nalang ako pagkatapos niyo."

"Ihahatid na muna kita bago ako pumunta."

"Sige."

Inihatid ko si Anri sa apartment niya pero hindi na niya ako pinatuloy, nakakahiya naman daw kila Clovis na naghihintay sa akin kaya hindi na ako nakipagtalo, umalis na ako at pumunta sa studio.

-

Pagkadating dating ko sa studio ay napatigil ako sa pintuan nang makita ko si Maria na nakaupo sa tabi ni Clovis na panay ang tipa sa gitara. Kumaway naman at ngumiti sa akin si Maria, tumango lamang ako sa kanya, tiyak na magagalit si Anri kapag nalaman niyang kasama namin si Maria, hindi pa man din namin napag uusapan yung pag aaway namin kanina. Tsk, magdasal ka na Spade.

"Oy p're pakinggan mo 'to." Sabi ni Clovis, humila naman ako ng mauupuan para pakinggan si Clovis.

Tang ina ng lokong 'to ang galing talaga eh, swabe ng boses. Kinuha ko ang bass guitar ko at sinimulan siyang sabayan ayon sa pagkakasulat niya sa mga chords para sa compo niya.

Nang matapos kami sa kanta niya ay inilabas ko yung kanta na ginawa ko, natuwa sila dahil dumadami daw compo namin, kung sakali ay pwede na kaming magkaroon ng sarili naming record deal kung siswertehin kami, inirecord muna namin yung tono ng kanta para maaral ni Clovis dahil di hamak na mas magaling kumanta sa'kin 'to.

Late na kaming umalis sa studio, hindi ko na lang masyadong kinakausap si Maria pero hindi ko naman ipinahahalata, nahihiya din naman ako doon sa tao, saka wala naman siyang ginagawang masama, pero iwas gulo nalang din.

Nauna na silang umuwi sa akin, tinatawagan ko si Anri pero hindi siya sumasagot, kahit ang mga message ko ay hindi niya narereplyan, baka naman nakatulog na siya. Iniisip ko kung uuwi ba ako sa bahay o doon na lamang ako tutuloy sa apartment. I decided na pumunta muna sa apartment bago umuwi kasi pwede naman, pero nang dumating ako sa apartment at kinapa ang bulsa ko ay napamura ako, nang kalkalin ko ang bag ko ay dere -deretso ako sa pagmumura, tang ina nalimutan ko yata sa pantalon ko kanina yung susi ko, kumatok naman ako pero walang sumasagot, naririnig ko ang tugtog mula sa loob ng apartment pero bukod doon ay wala ng kahit anong ingay mula sa loob, baka nga nakatulog na si Anri sa paghihintay, napabuntong hininga ako bago muling nag text kasy Anri, sinabi ko na naiwan ko ang susi ko at hindi na ako nagpumilit pa na pumasok.

Smoke In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon