SMOKE IN HER EYES
Chapter 11
Pag uwi ko sa bahay mukhang wala na yung dalawang adik kaya halos takbuhin ko na ang pag diretso sa banyo at nakinig sa sinabi ni Anri na maligo daw ako, tama siya mukhang kailangan ko talaga ang maligo.
Hanggang sa loob ng banyo ay si Anri ang naiisip ko, naiimagine ko yung mukha niya kanina, namumula siya, tang ina ang sexy niya, ang cute niya, ang bango niya, ang sarap at malala na ako. Napapikit ako ng mariin at napakapit nalang sa pader.
Ah, Anri.
-
Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa café para tingnan si Anri, nakatalikod siya sa counter at mukhang hindi nila nahalata ng kasama niya na pumasok ako. Hindi ko naman sinasadya pero narinig ko silang nag uusap.
"Ha? Nagbabanda? Naku Anri sinasabi ko sa'yo wala kang mapapala sa mga ganyan, 'sus mga papogi lang ang mga 'yan."
"Hindi naman siguro lahat ganoon." Sabi ni Anri.
"Naku akala mo lang seryoso ang mga 'yan pero hindi naman talaga, tsk, ang daming babae ng mga 'yan pagkatapos ng gig eh sigurado na kung kani –kaninong babae na nagkakandarapa sa kanila sumasama ang mga iyan, naku 'wag ka ng makisali sa mga ganoong babae, paasahin ka lang ng mga 'yan."
"Eh bakit yung iba naman may steady girlfriends saka may mga asawa na?" Si Anri
"Nagsawa nalang ang mga 'yon dahil matatanda na pero naku sigurado nung bago palang banda ang mga 'yon eh ganoon din."
Tang ina hindi naman kami ganoon, napailing ako doon ah, hindi naman kami nag g –groupie at wala naman kaming groupie, siguro may ilang Suzy Creamcheese lalo na kay Clovis pero wala naman sa aminang pumatol sa ganoon, medyo rakrakan kami pero mas tamang sabihin na mga awkward kaming tao na nagsama –sama lang at gusto lang tumugtog. Di naman kami pa –pogi lang, tang ina may soul naman at saka heart yung tugtugan namin.
Bahagya akong umubo para marinig nila na nandoon ako at nang lingunin nila ako ay nanlaki ang mga mata nung kasama ni Anri tapos agad din naman na tumalikod habang nag blush naman si Anri at iniayos niya yung salamin niya. Shit, ang cute niya.
"H –hi." Bati ni Anri sa'kin.
"Hi, uhm I'm sorry." Simula ko. "Yung kanina I'm sorry."
Hindi umimik si Anri pero tumango naman siya sa akin.
"Uhm, ano ..." Sabi ko, gusto ko sana siyang makita ulit mamaya pagkatapos ng klase ko.
"Anong order mo?" Tanong niya bigla sa'kin.
"Ha?"
"Anong order mo? Di ka pwedeng disoriented dito." Sabi niya bigla habang nakayuko sa may kaha. Napalunok naman ako nang magbalik sa isipan ko kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Ano, ah café mocha nalang." Sabi ko dahil iyon ang unang nahagip ng mata ko.
"Hindi pwede may caffeine 'yon mag pa –palpitate ka, pumili ka ng iba." Sabi niya. "Ano? Disoriented ka na naman yata eh."
"Hindi, uhm gusto ko lang magkape ngayon yung eight ounces lang." Katwiran ko nalang.
"Sige, ano pa?"
"Tsaka mango crepe nalang siguro."
"Okay, wait lang." Sabi niya at nagsimula siyang ihanda ang mga order ko, yung kasama naman ni Anri ay parang nagtago na yata doon sa ilalim ng counter.
Nang iabot niya sa'kin ang order ko ay hindi siya tumitingin ng deretso sa akin, ako man ay hindi makatingin sa kanya.
"Uhm pupunta ka na ng school?" Tanong niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.
