SMOKE IN HER EYES
Chapter 14
Kakatapos lamang naming mag practice at inaya kami ni Clovis sa bahay nila, birthday niya kaya hindi na kami tumanggi, isa pa ay madalang na mag invite ang isang 'to, agad akong nag text kay Anri na pupunta kami kila Clovis at mabilis namang nag "okay" si Anri.
Nang dumating kami ay sinalubong kami ng tatay ni Clovis at saka ng panganay niyang kapatid na si Vladimir at ni Marcus. Ipinakilala naman kami ni Clovis sa iba pa niyang mga kapatid pero agad naming napansin ang isa sa mga kapatid niya, si Maria, nag iisang babae kasi eh. Maganda siya, may pagkakahawig sila ni Clovis at mukhang hindi din siya suplada dahil nakangiti siya sa'min kaagad.
Nakausap namin siya nila Aaron, pati yung ibang mga kapatid ni Clovis, wala naman kasing masyadong bisita si Clovis eh, kami kami lang, kagulo na silang magkakapatid parang kami lang nila Club pero mas riot sila kumpara sa amin.
-
Ala una na kami ng madaling araw nagpasyang umuwi, sa may tapat ng university nalang kaming lahat nagpahatid kay Clovis. Umuwi na si Kevin at si Aaron, ako naman ay sa apartment ni Anri dumeretso, gising pa 'yon ng ganitong oras sigurado dahil nang mag text ako sa kanya kanina ay may tinatapos lamang daw siya. Nang tanawin ko mula sa ibaba ang kwarto ni Anri ay napangiti ako nang makita ko ang liwanag mula doon, gising pa nga. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang susi ko, ako ang nagpumilit na magkaroon ng spare key sa apartment niya, in case of emergency lang.
Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakasalampak sa sahig at nakaharap sa computer niya habang may nag p –play sa turn table niya na jazz music. Marahan kong ibinaba ang gamit ko sa sahig at lumapit sa kanya, niyakap ko siya mula sa likuran at agad siyang bumaling sa akin, sa pagbaling naman niya ay hinalikan ko siya sa pisngi.
"Hi Love." Bati ko kaagad sa kanya.
"Hi." Ngumiti naman siya sa akin at sumandal. "Katatapos niyo lang kila Clovis?" Tanong niya.
"Oo eh, ikaw? Ano 'yang ginagawa mo?" Tanong ko, itinuon ko sa balikat niya ang baba ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"May assignment kami eh, ineedit ko lang patapos na ako dito." Sabi niya
"Ah, kumain ka na ba?" Tanong ko ulit.
"Oo, kanina pa, nagugutom ka ba?" Tanong niya pabalik sa akin.
"Hindi naman pero kain tayo mamaya ha, walang klase bukas eh."
"Sige, tapusin ko lang 'to."
Founding Anniversary ng school kaya simula bukas hanggang sa susunod na linggo ay hindi regular ang klase kaya pwedeng pwede kaming mag petiks lang.
-
Nagpunta kami sa 7Eleven malapit sa may University, kumuha siya ng dalawang sixteen ounces na cup ng Gulp at pinuno iyon ng yelo at red iced tea, habang pinakuha naman niya ako ng dalawang siopao.
Habang kumakain kaming dalawa ay panay ang tunog ng cellphone ko dahil sa notifications, inilabas ko iyon mula sa bulsa ko at tiningnan ang mga notifications. Mga naka –tag na pictures iyon mula sa birthday ni Clovis kanina.
"Sino yan?" Mabilis na tanong ni Anri nang pag open ko ay agad na tumanbad sa kanya ang picture ko katabi si Maria sa upuan. Ini –adjust pa ni Anri ang salamin niya at agad ko din na napansin ang pagtaas ng kilay niya.
"Ah, kapatid ni Clovis si Maria, kaibigan na namin siya ngayon." Sabi ko.
"Ah okay." Sabi lang ni Anri tapos nagpatuloy sa pagkain.

BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.