SMOKE IN HER EYES
Chapter 12
Nanuyo na yata ang lalamunan ko at uhaw na uhaw na ang pakiramdam ko pero hindi sa tubig, at kahit pa ba kakaligo ko lamang ay init na init na ang pakiramdam ko. Unti –unti kong ibinaba ang mukha ko para tagpuin si Anri.
"Uhm ... ano ... lalabas muna ako." Sabi ni Anri tapos mabilis siyang tumakbo palabas, saktong paglapat naman ng pintuan ng kwarto ko palabas ay nahulog ang tuwalyang nakatakip sa baywang ko.
"Shit!" Mura ko at mabilis kong dinampot ang tuwalya at muling pumasok sa banyo para maligo dahil balewala iyong nauna kong pagligo sa nangyari.
-
Paglabas ko ng banyo ay muntikan na akong mapalundag nang makita ko si Dad na nakatayo sa gitna ng kwarto ko.
"So you brought a girl." Sabi ni Dad habang iniikot ang paningin niya sa kwarto ko.
"Kailan pa kayo dumating?" Pag iiba ko sa topic, kumuha ako ng damit sa drawer at bumalik sa banyo para mabilisang magbihis.
"Ten minutes ago." Sabi ni Dad habang nakatingin sa relo niya. "She's pretty, tama nga si Jack." Dugtong ni Dad.
"Uhm, nasaan pala si Anri?" Tanong ko, hinagip ko ang bote ng tubig na nasa tabi ng kama ko at ininom iyon, tang ina parang nag iimbestiga yung datingan ni Dad.
"Did you sleep with her?" Direktang tanong ni Dad at halos maibuga ko naman yung ininom kong tubig sa gulat ko.
"Ha? Hindi ah." Tanggi ko kaagad.
"Pero plano mo?" Tanong ni Dad.
"Dad, pwedeng huwag muna nating pag usapan yan? Ang awkward eh." Amin ko, ang awkward naman talagang mag discuss ng sex life mo sa magulang mo.
"Okay, she's with Club sa kitchen." Sabi ni Dad agad naman akong lumabas ng kwarto ko para puntahan si Anri, pero hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapangiwi ako sa narinig kong sinabi ni Dad. "Mukhang mabagal ang bata ko ah."
-
Sa ibaba ay agad kong nalanghap ang matamis na amoy.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko kay Club at kay Anri.
"Muffins, masarap 'to sa coffee eh sakto namang barista pala 'tong si Anri." Sabi ni Club. "Kawawa ka naman, di ka pwede masyado sa kape kaya kami nalang." Mukhang nang aasar pang sabi ni Club, hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig ng isang ito eh.
"Matagal pa ba 'yan girls?" Si Dad, mula sa likuran ko.
"Matagala pa Dad." Sabi ni Club.
"Ah, Anri si Dad nga pala, Dad, si Anri po." Pakilala ko sa kanilang dalawa. Nag shake hands silang dalawa, tumingin sa akin si Anri pero agad din siyang nag iwas ng tingin sa'kin.
Umakyat si Club sa kwarto niya habang may kausap naman sa cellphone sa labas si Dad, naiwan kaming dalawa ni Anri sa kitchen na parang estranghero sa isa't isa, walang umiimik sa aming dalawa pero magkatabi kaming nakatayo doon.
Mabilis kong hinagip ang kamay niyang nasa ibabaw ng counter at pinagsalikop ko ang aming mga daliri.
"Spade?" Si Anri, pumaling siya sa akin.
"Just let me hold your hand." Bulong ko.
"Okay." Marahan niyang sagot.
Ibinaba ko naman ang mga kamay namin para kahit bumaba si Club o biglang pumasok si Dad ay hindi kami masyadong halata.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
عاطفية[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.