SMOKE IN HER EYES
Chapter 18
Dumeretso ako sa kwarto nang dumating ako sa bahay, hindi ko pinansin yung dalawa kong kapatid na busy din naman sa panunuod ng anime, tuwang –tuwa kay Saitama, nakanta pa ng "One Puuuuunch!", tinawag ako ni Dad pero hindi ko na din siya pinansin, wala ako sa mood na mamansin, gusto ko lang magkulong sa kwarto sa kwarto. Tang ina pero sa totoo lang eh ayoko lang din na makita nila na namumula ang mga mata ko, kung pwede nga lang mag sun glasses ng gabi sa bahay ng hindi ako magmumukhang adik eh ginawa ko na.
Ibnagsak ko ang sarili ko sa kama at tumitig sa kisame, nakikita ko yung mukha ni Anri sa kisame kaya ipinikit ko ang mga mata ko, pero tang ina mukha pa din ni Anri ang nakita ko, nagmulat ako at bumangon, tang ina ayoko ng ganitong pakiramdam eh, ang sama.
Naiintindihan ko naman yung nararamdaman ni Anri pero ngayon ko naiisip na ang unfair lang. Ang dami kong tanong, tang ina oo nagkamali ako kaso naman bakit hiwalay agad? Tang ina ang sakit sa lalamunan neto ah.
Mariin akong napapikit nang marinig ko ang katok sa pintuan ko.
"Spade?" Boses iyon ni Club, ayoko sanang pagbuksan pero tumayo na din ako.
"Bakit?" Iritableng tanong ko.
"Op, displacement, umayos ka wag mo sa akin ibunton yan alam kong bad mood ka." Sabi niya tapos pumasok siya sa loob ng kwarto ko at naupo sa harap ng computer ko. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko, tama siya hindi ko dapat ibinubunton sa ibang tao ang kung ano mang nararamdaman ko.
"Sorry." Sabi ko sa kanya at nag thumbs up lang siya sa'kin.
"Nakita ko yung pictures mo." Sabi ni Club. "Iyon ba ang reason ng pagka badtrip mo?"
"Medyo, pero hindi naman talaga ako badtrip eh." Sabi ko tapos naupo ako sa sahig at kumuha ng manga sa shelf ko.
"Nag away ba kayo ni Anri?" Tanong ni Club.
"Naki pag break sa akin si Anri." Amin k okay Club.
"Haaaa?!" Bigla siyang humarap sa akin tapos tumayo siya at pinamaywangan ako.
"Wala na kami." Sabi ko.
"Nakita niya yung pictures?" Tanong ni Club tapos naupo na siya sa tabi ko. Tumango naman ako bilang sagot ko sa kanya. "Kaya pala."
"Ang unfair lang, nakipaghiwalay agad siya sa'kin, tang ina nasaktan din naman ako." Nakapag open ako ng wala sa oras sa makulit na 'to.
"Alam mo, hindi din naman niya ginustong maramdaman yung mga naramdaman niya, yung sakit nang makita niya yung mga pictures mo, kahit ako disappointed ako sa'yo kasi alam ko na may girlfriend ka, eh di lalo na yung girlfriend mo."
"Kahit na, bakit parang siya lang yung nasasaktan? Bakit parang siya lang yung nahihirapan? Diba dapat tulong kami na hinaharap 'to? Ang unfair lang, bakit ganoon?"
"She's still hurting Spade, isa pa ilagay mo yung sarili mo sa katayuan niya kasi tingnan mo ikaw ngayon, ikaw na nga itong nagkamali ikaw pa itong galit sa kanya, ikaw na nga itong nakasakit eh sya pa din yung unfair."
Hindi ako kaagad nakaimik sa sinabi ni Club, tama siya, ako na nga itong nagkamali at nanakit ako pa may ganang magalit ngayon.
"Hindi ko naman sinasadya eh." Bulong ko at umikot ang mata ng kapatid ko.
"Men!" Tapos umiling siya at tinaasan ako ng kilay. "Hindi daw sinasadya, tse! Lahat ng pagkakamali hindi sinasadya pero nag e –engage sa mga bagay na mali!"
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romansa[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.
