SMOKE IN HER EYES
Chapter 8
Ten minutes akong late sa klase at masama ang tingin sa akin ng professor ko, kasalanan ito ng pagtawag ko at pangungilit ko kay Anri dahil inaabot kami ng umaga na, natutulog lamang ako kapag naririnig ko ng bumabangon si Jack o di naman kaya ay kapag si Anri ang nauunang nagpapaalam.
Natanong agad ako ng professor ko tungkol sa book na ipinapabasa niya sa amin. Tang ina dalawang chapters palang yata ang nababasa ko doon. Ang sinabi ko lang ay kung ano yung nabasa ko at kung ano lang yung pagkakatanda ko, maigi na lamang at hindi na siya nag follow up question, nakalusot si Spade.
Buong klase nagpanggap lamang akong nakikinig kahit pa ba sa totoo lamang ay antok na antok pa ako, sino ba naman kasing naka imbento ng morning classes, tang ina hindi pa ako natutulog eh, buti pa si Anri mamaya pang after lunch ang klase. Kapag humuhikab ako ay yumuyuko na lamang ako para hindi halata dahil baka mamaya eh matawag na naman ako sa klase eh wala akong masasagot. Makapag salamin nga din para datingang genius ako kagaya nitong kaklase ko sa unahan ko tapos di pa masyadong halata kung namumungay na ba mga mata ko sa antok.
-
Dahil maaga ang klase ko kanina ay medyo maaga din itong natapos, wala na akong klase pag dating ng alas quatro ng hapon habang second subject palang si Anri. Pumunta muna ako sa may canteen doon sa labas ng school at tumambay doon habang naghihintay kay Anri, humiga ako sa dikit –dikit na upuan hanggang sa nakatulog na yata ako.
Nagising lang ako nang maulinigan ko na medyo maingay na, nang magmulat ako at balingan ang pinanggagalingan ng ingay ay nakita ko ang isang grupo ng mga babae na lahat nakatingin sa'kin at lahat din sila ay hawak din ang kanya –kanya nilang cellphone, agad kong dinama ang gilid ng labi ko dahil baka mamaya eh may laway na palang tumutulo, tang ina parang na –picturan yata ako ng mga 'to na natutulog. Nang bumangon ako ay mabilis silang nagtalikuran sa akin at umasta na para bang wala ako doon. Umupo lamang ako doon at pinabayaan ko lang sila, pag alis nila ay mahihiga ulit ako, nginitian naman ako ni Mang Noel na may ari nung canteen, curious naman ako kaya lumapit ako kay Mang Noel, medyo kakaiba ngitian eh.
"Pa tatlong batch na 'yan ng mga ka –eskwela mo na pumasok dito sa canteen ko dahil nakita kang natutulog dyan sa may tabi." Sabi ni Mang Noel sa'kin.
"Po?" Tanong ko, parang medyo tulog pa yata utak ko.
"Kako eh pumapasok ang mga ka –eskwela mong babae dito sa canteen dahil nandito ka, ikaw nga eh matulog nalang ulit doon at nang dumami pa sila, mukhang may gusto sa iyo ang mga iyan." Sabi ni Mang Noel sa'kin habang nakangiti siya, hindi ko naman alam ang ire –react ko sa sinabi ni Mang Noel sa'kin. "Hulong doon sa silya at matulog ka pa." Sabi pa niya kaya naman nakinig ako at bumalik doon sa tabi pero nag text muna ako kay Anri na nasa canteen ako ni Mang Noel bago ako nahiga muli doon para matulog pero hindi pa man lumilipas ang limang minutong pagkakahiga ko doon ay naramdaman kong may pumisil sa braso ko.
Tang ina kinuha na yata ako ni Lord, nagpadala siya ng angel para sunduin ako.
Si Anri, nakayuko sa akin at naka puting kamiseta, naka sintas ang buhok niya na bahagyang magulo na. Hindi ko namalayan na itinaas ko na pala ang kamay ko para abutin siya at haplusin ang pisngi niya at para akong tinakasan ng ulirat nang ngitian niya ako at hawakan ang kamay kong nasa pisngi niya.
"Good morning." Sabi niya, nang mapadako ang tingin ko sa labas ay napansin kong medyo madilim na sa labas, tiningnan ko ang relo ko at napansin kong isang oras mahigit na pala akong tulog doon at hindi limang minuto. Tang ina nakakahiya kila Mang Noel eh, bumangon ako kaagad tapos agad kong inihilamos ang palad ko sa mukha ko tapos ay tumayo na ako at humingi ng pasensya kay Mang Noel, wala lang naman daw iyon ayos nga daw dahil dumami daw ang kumakain kanina dahil sinisilayan daw ako, napakamot ulo lamang naman ako pero nang palabas na kami ni Anri ay nagsalita ulit si Mang Noel na ang sabi lamang niya ay "Iyon pala."
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.