Chapter 10

4.8K 204 81
                                        


SMOKE IN HER EYES

Chapter 10

Ilang beses kong minura ang sarili ko dahil sa kung anu –anong itinatakbo ng isip ko. Kailangan kong ma I –divert sa ibang bagay ang atensyon ko kung ayaw kong sumabog na lamang ng biglaan sa munting apartment ni Anri.

Humarap ako sa koleksyon ng plaka ni Anri.

"Okay lang ba kung makialam ako sa mga plaka mo dito?" Tanong ko habang nakatalikod pa din ako kay Anri, tang ina nanigas na si brad.

"Sige, okay lang." Sagot niya, narinig ko ang yabag ni Anri na papalapit sa akin kaya mabilis akong naupo sa sahig at hinagip ang isa sa mga throw pillow niya sa sofa, ipinatong ko iyon sa kandungan ko at nagsimulang magkalkal sa mga plaka na meron siya.

May dinampot akong record at hindi ako pamilyar sa artist pero inilagay ko iyong kaagad sa turn table para lang hindi masyadong halata.

"Ay okay 'yan." Sabi ni Anri tapos naupo siya sa tabi ko at nag Indian seat.

Damn it.

Parang lalo lang naghirap ang sistema ko dahil nasisilayan ko ang binti at ang hita niya, naramdaman ko ang pangangati ng kamay ko, putang ina masama 'to eh. Nag iwas ako ng tingin at muli kong sinubukang ipaling sa iba ang atensyon ko.

"You're holding me with something locked behind your eyes"

Tang ina hindi pa nakakatulong yung lyrics ng kanta eh, umisod pa ng mas malapit sa akin si Anri para iabot sa akin yung isa sa mga records.

"And I've been waiting for it all to take control; you're setting me right 'cause you've got something that I need" Tang ina yung lyrics eh, nakakapagpadagdag lang ng init na sinusupil ko.

"Kumain ka na ba Spade?" Tanong ni Anri sa'kin, mariin akong napapikit. Bakit ang sexy –sexy niya sa paningin ko ngayon? Urgh, nakaka frustrate. Bakit ganito? Parang gustung –gusto ko siyang ihiga sa sahig at hawakan siya magkabilang kamay niya. Damn, damn, damn. Tang ina nakahalik lang ako kagabi nagkaganito na ako, pambihira.

"Ah eh hindi pa eh." Alanganin kong sagot, hindi ko pa rin siya tinitingnan.

"Kain tayo." Sabi niya tapos tumayo siya, napa buga ako ng hangin don, salamat naman kahit papaano eh lumayo si Anri at talagang masama na ako sa pagkakaupo ko.

-

Dahil malapit lang naman sa university yung apartment ni Anri maraming makakainan ng almusal. Nag order kami pareho ng tapsilog, nang kakain na kami ay hindi ako masyadong tumitingin sa kanya maski pa ba gustung gusto ko siyang titigan, ang tagal ko bago napakalma yung ano ko, mahirap na kung mamaya eh magwala na naman.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Anri sa'kin.

Hindi.

"Ha? Oo okay lang ako." Sagot ko.

"Tahimik mo kasi ngayon eh." Sabi niya lang tapos nagpatuloy siya sa pagkain. Tahimik ako dahil pinipigil ko sarili ko sa pang gigigil ko sa'yo.

Nang matapos kaming kumain ay bumalik kami sa apartment ni Anri. Tinanong niya ako kung may klase ako at sinabi ko naman ang totoo, na may klase ako mamayang hapon pa, siya naman ay may duty mamaya sa cafe.

"May tatapusin lang ako ah, help yourself." Sabi ni Anri, tumango naman ako habang lumupagi na siya sa sahig sa tapat ng computer niya. Muli kong binalikan yung mga record na inaatupag ko kanina habang sumusulyap sulyap kay Anri.

"Okay lang ba mag play ng record?" Tanong ko sa kanya.

"Sure, walang problema." Sagot niya na hindi man lang tumitingin sa'kin. Inilagay ko ang record ng bandang The Killers na kanina ko pang hawak.

Smoke In Her EyesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon