SMOKE IN HER EYES
Chapter 15
Nagising ako dahil sa ulan sa labas, malakas iyon at dinig na dinig ko ang bawat pagpatak niyon, natatanaw ko siya sa bintana mula sa kinahihigaan ko. Sa tabi ko ay naroon si Anri at mahimbing na natutulog, nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ko habang nakaunan sa braso ko.
Marahan kong inalis ang braso ko at hinawi ko ang buhok niya, hinalikan ko siya sa noo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko habang nakatitig sa mukha niya at muli kong naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko, mabilis akong kumuha ng ballpen at papel at nagsulat.
Naked as we can, we kept dancing on the sheet
Headlights against the curtain calls for more
Swimming and going, reaching 'til we meet
Filling in, heeding me roar
Muli kong sinulyapan si Anri habang hubad baro na nagsusulat. Kagabi ay parang ayaw ko ng matapos ang mga sandali, ang pinaka pribadong sandali namin ni Anri. Last night was beyond intimate. Binuksan namin sa isa't isa ang lahat lahat, ang inhibisyon at ang hiya ay iwinaksi sa bintana at nagpatangay sa agos ng damdamin.
Kinuha ko ang gitara ko at nagsimulang tumipa, hawak ang ballpen ay isinusulat ko sa ibabaw ng mga salita ang mga chords ng gusto kong melody.
Your face painted white
Freckles sprinkled on your rosy cheeks
Tears falling to your crimson lips
From the smoke in your eyes
Hinayaan ko ang mga salitang dumaloy mula sa akin patungo sa papel, tumipa ang mga daliri sa gitara, at nang matapos ako ay bumalik ako sa ilalim ng kumot at niyakap ang babaeng nagpaparamdam sa akin ng iba't ibang klaseng emosyon na hindi ko alam na meron pala ako.
-
"Hi." nakangiting bati ko kay Anri nang mapansin kong gising na siya.
"Hi." Ngumiti din siya sa akin pero mabilis siyang nagtalukbong ng kumot.
"Hey, bakit?" Tanong ko at inalis ko ang kumot na nakatakip sa mukha niya pero muli lamang niyang itinakip iyon sa mukha niya.
"Ang panget ko, kakagising ko lang." Sinaway niya ako sa pag alis ng nakatabing na kumot sa kanya.
"You're still pretty." Sabi ko, tinalikuran naman niya ako kaya yumakap ako sa likod niya at hinalikan siya sa balikat. "In fact mas lalo ka yatang gumanda sa paningin ko kapag ganitong umaga."
"Binobola mo lang ako." Sabi ni Anri at tuluyan siyang dumapa patalikod sa akin, pinakagapang ko naman ang kamay ko sa kahubdan ng likuran niya at hinayaan niya akong gawin iyon. Maya –maya ay muli kong narinig ang mumunting pag ungol ni Anri katulad kagabi.
-
Mahigpit kong niyakap at inalo si Anri nang mapansin ko ang pagpatak ng mga luha niya mula sa mga mata niya nang pag isahin ko ang aming mga katawan.
Hinalikan ko siya sa pisngi, sa noo, sa labi, malakas ang tibok ng puso ko at tila ako naging estatwa sa tuwing may papatak na luha sa mga mata niya.
"Carry on." Bulong niya.
"Are you sure?" Tanong ko.
"Yes."
Hindi ko itatangging gusto ko pero alinlangan ako, mabilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay hindi komportable si Anri, pero dahil sa go signal niya ay nagpatuloy kami. Hindi ko na alam kung ilang halik ang nagawa ko, kung ilang endearment ang nasabi ko, alam kong mas pinakakalma ko ang sarili ko kaysa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Lãng mạn[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.