Chapter 7

4.6K 212 109
                                    

SMOKE IN HER EYES

Chapter 7

Napapadalas ang pagpunta at pakikipag kita ko kay Anri, ako ang palaging nag iinitiate na magkita kami, sumasama ako sa kanya kung saan saan, inaaya ko siyang manuod ng sine dahil alam ko na gusto niya 'yon at palagay ko ay nag t –take advantage ako.

Hindi yata lumilipas ang araw sa isang linggo na hindi ko siya nakikita, tang ina ang creepy pero para akong stalker dahil alam ko na ang schedule niya, sa gabi naman ay panay ang pangungulit ko sa kanya, panay ang tawag ko sa kanya at palagay ko ay nagiging mabait lang si Anri sa akin.

-

Nasa restaurant na kami ni Vincent at nag aayos ng gamit. Nag "Hi" lang kami ni Anri sa isa't –isa kanina at dumeretso na siya sa kitchen, inutusan kasi siya nung head chef kaya hindi kami nakapag usap man lang.

Mga alas otso nagsimulang dumami ang mga tao sa restaurant, tumutugtog kami nang mapansin kong lumabas ng kitchen si Anri para mag serve, ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya pero mabilis akong yumuko at nag focus sa pagtugtog ko ng pumaling siya kay Clovis, napansin ko ang kislap sa mga mata niya habang nakatingin siya kay Clovis, parang biglang may bumikig sa lalamunan ko nang makita ko kung papaano niya tingnan si Clovis.

Shit.

-

Nang matapos kami sa gig ay nauna ng umuwi sa'min si Aaron, may pupuntahan pa daw kasi siya eh, tang ina dis oras ng gabi may pupuntahan, kasunod niyang umuwi ay si Kevin.

Hihintayin ko ba si Anri o hindi? Pero bakit ko naman siya hihintayin? Ano ba kami? Hindi ko din naman siya nililigawan o ano man at lalong hindi niya ako gusto, etong unggoy sa tabi ko ang gusto niya.

Tiningnan ko si Clovis na mukhang hinihintay lang din ako kung kailan ako uuwi o kung ano man ang gagawin ko.

"P're uuna na ako ah, mukhang hihintayin mo pa si Anri eh."

Napatango nalang ako at sinundan ng tingin si Clovis na lumabas ng restaurant. Ako naman ay naghintay na matapos si Anri sa ginagawa niya.

-

"Spade?"

Nakatingin ako sa kawalan sa labas ng restaurant, paulit –ulit lang na nag p –play phone habang nakasaksak sa tenga ko ang earphones ko yung Skinny Love by Bon Iver, para akong tine –transport ng kantang 'yon sa ibang lugar kung saan madilim at umuulan, monochrome ang lahat. Kanina pa gloomy ang pakiramdam ko at mas lalong nagiging gloomy iyon habang lumalalim ang gabi at alam ko kung ano ang dahilan ng ipinag kakaganito ko.

"Uy Spade."

Napabuntong hininga ako. Parang gusto kong mag yosi kahit matagal ng panahon kong itinigil iyon, lagi kasing umaangal si Club na ang baho ko daw eh.

"Spade!"

Para akong nagising ulit, kanina pang nakatayo si Anri sa harapan ko at napansin kong hawak na din niya yung cellphone ko at tinanggal niya yung pagkaka plug ng earphones ko mula doon.

"Nawawala ka." Sabi niya.

"Ah, yeah, I'm sorry." Sabi ko tapos kinuha ko yung cellphone ko na iniaabot niya sa'kin. Nagsimula na kaming maglakad na dalawa pero hindi ako umiimik, hindi rin umiimik si Anri, mukhang nakikiramdam lamang siya sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin, tumigil naman ako sa paglalakad at ganoon din siya, naupo ako sa gilid ng daan, sa bakod na yari sa semento ng isa sa mga stores na nadaanan namin.

"Hindi ako okay." Pag amin ko, isinilid ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at yumuko.

"Anong problema?" Tanong niya habang nakatayo siya sa harapan ko.

Smoke In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon