Chapter 3

7.5K 268 56
                                    


SMOKE IN HER EYES

Chapter 3

Nakatingin sa akin yung dalawa kong kapatid nang dumating ako sa bahay, nanunuod silang dalawa ng Haikyuu na pinapanuod din namin ni Club kanina. Inilapag ko yung s'mores sa harap nilang dalawa at naupo sa tabi ni Jack. May dalawang gatas na nasa baso at yung tetra pack ng mismong gatas sa ibabaw ng center table, may chips din doon at dalawang cereal bowl na pinagkainan nung dalawa.

"Bakit?" Tanong ko sa kanila, parang adik na naman kasi kung makatingin etong dalawa na 'to eh.

"May babae ka daw kasama kanina?" Tanong ni Club, tumingin naman ako kay Jack na patay malisyang kumukuha ng s'mores mula sa paper bag.

"Ah, school mate ko siya." Simpleng sagot ko.

"Mukhang hindi mo lang siya school mate Spade, may kakaiba sa'yo kanina nung nakita mo siya, crush mo 'yon no?" Si Jack.

"May crush kay Clovis 'yon." Nasabi ko nalang.

"Ha?! May crush kay Clovis?! Hindi pwede!" Tutol ni Club.

"Hindi mo sinagot tanong ko Spade, crush mo siya no?" Si Jack naman.

Ang kulit talaga ng dalawang 'to.

"Kung crush mo siya Spade eh di ligawan mo para ma divert sa'yo pag ka –crush niya kay Clovis." Sabi ni Club na nakasimangot na ngayon.

"Hanap ka nalang ng ibang crush mas madali 'yon." Si Jack.

"Hindi ko nga crush 'yon." Tanggi ko.

"Hindi daw crush, 'sus wag ka ng tumanggi Spade." Si Jack.

"Basta hindi siya dapat nagkaka crush kay Clovis, sa'yo nalang." Si Club naman.

"Hindi ko nga kasi crush 'yon." Mariing sabi ko.

"Eh di hindi mo crush." Sabay na sabi nilang dalawa.

"Ang kulit mo Jack, hindi nga niya crush eh." Sabi ni Club kay Jack

"Ikaw ang makulit Club, wala naman akong sinabi na crush niya 'yon ah." Ganti ni Jack tapos nagtulakan yung dalawa. I rolled my eyes, mas matanda sa akin si Club, well kaunting kaunti lang ang agwat ng edad namin pero pakiramdam ko mas matanda pa din ako lalo na sa ganitong mga pagkakataon.

-

Dumating si Dad ng bandang seven ng gabi at kinulit na naman ako nung dalawa tungkol kay Anri kaya pati si Dad nakisali na din sa pang aasar sa akin. Kung saan –saan si Dad pumupunta at ipinapatapon sa trabaho kaya halos once a week lang namin siya makasama, bukas ng gabi aalis na ulit 'yan at kapag nandito siya sinisikap niya na i –spoil kaming tatlo, kapag ganitong nasa bahay siya ipinagluluto niya kami ng dinner at almusal tapos inihahatid niya kaming lahat sa school isa –isa, pag may gusto kami sabihin lang namin sa kanya at bahala na siya, lalo na si Club kasi siya yung babae, sa totoo lang naman kasi napaka sweet naman niyang si Club kahit sa amin ni Jack lalo na kapag may kailangan siya, tang ina hindi namin matanggihan yan kaso napaka galing din mang aasar at saka may pag ka brat din palibhasa alam niya na hindi naman namin siya papatulan. Si Jack naman minsan may pag ka creepy, sumusulpot nalang ng sumusulpot kung saan saan katulad nalang kanina doon sa may bookstore, parang kabute. Seven months lang yung pagitan ng edad namin ni Club, yeap, we have different mothers kahit si Jack, we are siblings with different mothers, siguro nga kasi eh laging napapatapon si Dad sa kung saan, we never knew our mothers, well for Club pinsan talaga namin siya kaso yung parents niya namatay na baby palang siya kaya kinuha na siya ni Dad. Kapag wala si Dad everyday naman siyang tumatawag sa'ming tatlo tapos nag t –text din siya sa'min, kapag umaga pag gising namin laging may "good morning" na text sa'min si Dad pero mas madalas si Club yung kausap niya, sumbungera kay Dad ang isang 'yon eh, lahat inirereport.

Smoke In Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon