SMOKE IN HER EYES
Chapter 5
Sabay kaming pumasok ni Anri nang hapon na iyon, alas tres y media pala ang klase niya habang ako naman ay alas quatro. Nasa second floor and classroom namin sa katapat nilang building habang nasa third floor naman yung classroom niya. Thirty minutes akong nakatingala sa classroom nila hanggang sa dumating na yung professor namin.
Habang nasa klase kami ay nag text ako kay Anri. Tang ina si Spade hindi nakikinig sa klase.
"Hi Anri, hanggang anong oras ang klase mo?"
"Hanggang 6:30 lang ang klase ko, isa lang subject ko eh, bakit?" Reply niya sa'kin.
"Ah ganon ba? Okay lang ba mag dinner tayo? Kaso hanggang seven pa ako eh." Pa gamin ko, tsk, bakit nauna pa siyang lumabas ng klase kaysa sa akin? Ang plano ko pa naman ay ang hintayin ko siya sa may gate at sabayan siya ulit pauwi.
Tang ina nilalakasan ko na talaga loob ko, hindi pwedeng magpapahina –hina ako.
"Naku, may trabaho pa ako sa restaurant eh, hindi kita masasamahan, pasensya na ha." Reply niya sa'kin.
"Sige okay lang Anri." Reply ko, nadismaya ako ng bahagya ah, akala ko makakasama ko pa siya ng mas matagal magkatapos ng klase eh kaso hindi na pala.
"Pasensya na ha, sa susunod nalang tayo kumain."
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya, siya na yung nag alok sa akin. Nakakainis lang, ang bait niya sa'kin masyado at mas nagugustuhan ko pa siya, pambihira masama na talaga ang tama ko nito.
"Oo naman, walang problema basta sabihin mo nalang sa akin kung kailan ka libre ha."
"Sure. Salamat ulit for today ha, I owe you."
"Wala 'yon Anri." Basta ikaw ... Tang ina ang corny nung kasunod.
"Sige, later nalang ha may klase pa tayo pareho."
"Okay, mamaya nalang."
Hindi na siya nag reply sa'kin, pinipigil ko naman ang mapangiti dahil baka mahuli ako ng professor namin na ngumingiti ng mag isa, mahirap na.
-
Bago matapos ang klase ko ay naka received ako ng message mula kay Clovis, nag aayang mag jam. Sumagot naman ako na pwede ako kaya pagkatapos ng klase ko ay dumeretso na ako sa studio dahil doon na daw kami magkita kita.
"Anong line up natin this weekend?" Tanong ni Kevin.
"Magdadagdag lang tayo ng dalawang bago pero same folk indie pa din tayo." Sabi ni Clovis.
"Anong unang tutugtugin natin?" Si Aaron naman na nag totono ng gitara niya.
"The Trapeze Swinger muna para pampa swak ng mood." Sabi ko.
"Pampa wasak kamo, tang ina feels na feels yang kantang yan gusto ko nalang umiyak eh." Si Aaron, natawa naman kami nag start pa din kami sa pagtugtog. Nagsunud –sunod na yung mga kanta at may inayos lamang kaming kanta na hindi pa plantsadong plantsado. Halos dalawang oras din kaming nag jam, nauna ng umuwi sa amin si Aaron at Kevin nang matapos kami, kami naman ni Clovis ay dumaan muna sa 7 – Eleven, bumili siya ng green tea habang ako naman ay bumili ng gatas. Nang nasa counter na kami ay napatanga sa'min yung kahera ng bahagya.
"Ikaw na magbayad p're." Sabi sa'kin ni Clovis tapos inabutan ako ng isang daan tapos lumabas na siya. Parang bad trip si brad ah biglang naging suplado.
![](https://img.wattpad.com/cover/100604989-288-k454441.jpg)
BINABASA MO ANG
Smoke In Her Eyes
Romance[Mature Content] She's complicated and so is he, but with a dark side.