★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡★ノ♡
THIRD PERSON'S P.O.V
'All passengers of flight XO1288, please proceed to gate 3'
"What's with this country? " Mahinang sambit ng dalaga at pinunasan ang pawis na tumutulo sa kanyang noo gamit ang kanyang panyo Suot suot ang kanyang shades , nilingon niya ang kanyang paligid. Umiling siya, talagang wala na siya sa bansang Amerika. 'It's hot' Nakakunot ang kanyang noo'y sinimulan na niyang kaladkadin ang kanyang maleta. Ang kanyang heels ay tumutunog sa bawat tapak tila isang model naglakad siya na parang nasa fashion show.
Pansin din niya na may nag lilingunan na mga tao sa kanya. Mapababae, mapalalaki, mapabata, mapateenager, pati na din ang ilang matanda.
'Stare all you want'
Hindi rin niya masisisi ang mga taong iyon sapagkat agaw pansin naman talaga siya. Lahat ba naman ng kanyang gamit ay branded. At sa dinamidami ng tao eh siya lang ang may blonde na buhok.Hindi pa kasama ang kulay ng kanyang balat na tunay na nakaka agaw sa pansin. Kahit mula sa malayo ay halatang halatang makinis at walang galos. Ang dating itim na itim na buhok ngayon ay kulay blonde na. Mas hawig siya sa kanyang ama na kadalasan ay kinamumuhian din niya kaya madalas nagsusubok siya ng iba't ibang kulay ng buhok pati na rin kung pano niya maipresenta ang sarili niya para lang hindi niya makita ang imahe ng kanyang ama.
Inisip niya na lang na marahil ay nasunog niya ang sinaing sa kanyang naunang buhay.Lumingon siya sa kaliwa at nakita ang isang board kung saan nakasula ang pangalang 'Lilliane
Crysanthei' Naglakad siya patungo dito at sinalubong siya ng isang matandang lalaki na naka
pormal na suot. Marahil mga nasa late 40's na ang matanda."Welcome back, young miss" At siya'y nagbow habang ang dalaga naman ay tumango lamang
"Good to see you, Mr. Thompson" Walang kabuhay buhay na bati ng dalaga at sumakay na ng limo na inhanda ng butler.
Sumandal lang ang dalaga sa pintuan ng sasakyan at pinanuod ang matanda na ilagay lahat ng kanyang gamit sa sasakyan.Tumingin siya sa labas at napabuntong hininga na lamang. Talagang nasa Pilipinas na siya pagkatapos ng walong taon ay nilisan na rin niya ang bansang Amerika. Mayamaya ay natapos na rin ang matanda at ito'y dumiretso sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan ng bigla namang tumunog ang kanyang phone.Tiningnan pa lang niya ang caller sumasakit na ang ulo niya. 'Of all people...' Iling ni Lilliane pero sinagot din naman niya ang tawag.
"LILLIANE!" Sigaw ng isang dalaga sa kabilang linya. At unconciously nilayo ni Lilliane ang
phone mula sa kanyang tenga upang iwasan ang pagkasira ng kanyang eardrums."Problema?" Matipid at casual niyang sagot.
"Bakit di mo sinabing uuwi ka na pala ng Pilipinas , ha? HOW COULD YOU?! I TRUSTED Y--" Nagsisimula nang magdrama ang dalaga sa kabilang linya at naisip na ni Lilliane ang itsura ng kanyang kaibigan.
"Shut up. Sumunod ka kung gusto mo" Buntong hininga ni Lilliane.
"Oh right! Pwede nga naman.."
BINABASA MO ANG
Gangster Royalties (On Going -Under Editing ♥-)
AdventureCliche it may seem but their story is one bumpy roller coaster ride. Are you ready to face the ups and downs of their adventure? Two ice hearts, can they melt in each other's arms or will they forever remain as ice? And hey, who told you they'll hav...