{ ' ZIA ' }
I groaned as I sat up. "Where am I?" Tanong ko sa sarili ko. Patay na ba ako? Ano nga bang nangyari?
Napakapit naman ako sa ulo ko dahil medyo nahihilo pa ako kaso nakaramdam lang ako ng kirot sa may braso ko. Tsk. Naaalala ko na ang nangyari.
~ . ~
"Masyado kang maingay. Manahimik ka muna" At kasunod nito ang tunog ng pagputok ng baril pati narin ang pagbagsak ko.
~ . ~
Binaril nga pala ako ng bruhang yun. Hindi ko inakalang makakayanan niya akong tratuhin ng ganito o kaya naman ipakita ng basta basta sakin ang pagmumukha niya. Nagkamali ako ng pagcacalculate sa pangyayari.
Inakala ko noon na mula sa likod siya titira di ko inakalang harapan pala niya akong bubungguin. Napabuntung-hininga naman ako kaya nga lang napa-mura din ako sa kirot na naramdaman ko.
"Tandaan mo tong baliw ka. Hindi ka magtatagumpay sa plano mo." Bulong ko habang nakatitig ng masama sa pintuan na kumukulong sakin sa kwartong ito. Sina Elian kaya nasaan na? Napapikit na lang ako habang sinubukan kong isipin ang maaari kong gawin upang makatakas dito.
Sabihin ko na kay Crysanthei ang buong totoo ang lahat ng nalalaman ko ibabahagi ko sa kanya. Hindi na muling mauulit pa ang pagkakamaling ginawa noon ng aking ama. Hindi ako tutulad sa desisyon niya.
{ ' LILLIANE ' }
"Wow. Half of the house is gone." Napailing si Ethan habang nag-iiscroll down sa ipad niya. Ako naman eto busy na nakatingin lang sa salamin. "Look." Saad niya bago niya itinapat ang device sa harap ko.
Andito ako sa isang bahay na di mo aakalaing pagmamay ari ng isang Ethan Hudson. Napakaliit at simple lang nito. Mga pang-isang pamilya lang ito.
Napailing na lang ako at nakita na halos kalahati nga naman ng bahay ay wala na tas yung kalahati naman ay nandun pa kaso medyo black na. Mukhang makakapagparenovate pa nga ata ako.
"Wala tayong magagawa---pero yung kwarto ko? Wala din bang naisalbang gamit?" Agad kong tanong may mga bagay kasi na naipamana sakin na naiwan ko duon. Hindi ko alam kung nagawang isalba ito ni Mr. Thompson. Well sana oo tough luck if wala.
Napaayos naman ng tayo si Ethan at tinitigan ako at well tinitigan ko din siya saka ko tinaasan ng kilay pero bago pa man ako makapagsalita naharangan na agad ang paningin ko ng towel. And the next thing I know, tinutuyo na niya ang buhok ko.
"I don't know-- but Mr. Thompson is on his way here. " Rinig ko ang pagbuntong hininga niya habang pinagpapatuloy niya ang pagtuyo sa buhok ko. Anong tingin niya sakin walang kamay? Gayunpaman, di ko na din siya pinigilan. Di rin ako nag salita.
BINABASA MO ANG
Gangster Royalties (On Going -Under Editing ♥-)
AdventureCliche it may seem but their story is one bumpy roller coaster ride. Are you ready to face the ups and downs of their adventure? Two ice hearts, can they melt in each other's arms or will they forever remain as ice? And hey, who told you they'll hav...