Chapter 25: Ain't coincidence at all ♥

24.9K 248 24
                                    

Third Person’s P.O.V

 Nagpatuloy ang gabi nang sila ay walang ginawa kundi mag laro sa arcade. Lahat sila walang exception sabi nga ni Theryl bawal ang maging KJ ngayong gabi. Hindi man ganun ka-ingay si Xander at Lilliane naglalaro pa rin naman sila kaya okay lang.

Sa ngayon naglalaro si Theryl, Rick, Alli, Steve, Hannessa , Trev at Xylo sa ‘Strength-o-meter’.

 Isang klase ng laro kung saan patutunayan ang lakas ng bawat isa sa pagpukpok sa target gamit ang isang napakalaking martilyo.

“Sure kaba na kaya mo yan?”-Nag aalalang tanong ni Steve kay Alli na nakapikit sa kasalukuyan.

Si Alli kasi ang unang pupukpok sa target at dahil may kalakihan ang martilyo (halos hanggang bewang kasi ito ni Alli ) at idagdag mo pa ang medyo pagkapayat ni Alli kaya nagmukhang di niya kaya.

 Hindi pa nga mabuhat ni Alli ang martilyo pero hawak na niya ang handle nito. Kaya ang tayo ng martilyo ay pabaliktad, lumapat ang ulo ng martilyo sa sahig habang hawak ni Alli ang kabilang dulo.

“Psst. Hyung she’s concentrating…” – Kinulbit ni Trev si Steve at bumulong.

“She’s a monster.” –Pahabol naman ni Xylo.

And as if on cue  biglang nagbukas ang mata ni Alli at inihakbang ang kanang paa palikod at kasabay noon ay ibinuwelo rin niya ang napakalaking martilyo palikod habang itinataas niya ang martilyo’y animo’y mag-go-golf ito. Pagkataas ng martilyo ay tila naging see saw ang kanyang kamay at ang ulo ng martilyo.

Kung kanina ay kamay niya ang mababa ngayon naman ay ang ulo ng martilyo ang nasa baba na nakapwesto ito sa kanyang likod.

Sa paghakbang ng kanyang kanang paa ay siya ring sabay ng paghampas ng napakalaking martilyo. Habang ginagawa niya ito. Siya ay nakangiti—naka grin pala na tila parang wala lang ang ginagawa niya.

*BAM*

 

 

Napanganga na lang si Steve sa pinakitang lakas ni Alli. Naka-abot kasi ito ng 84% hindi masamang resulta para sa isang babae. Mali—Isa itong napaka taas na iskor para sa isang babae. Napalunok siya na-ala ala niya ang sinabi ni Xander sa kanya.

‘Do you think they’re already a gang—not normal gangsters but do you think they have a connection with the Gangster Royalties?’

 

Parang sirang plaka paulit-ulit yaan sa utak ni Steve. Totoo nga kaya.? Hindi niya alam pero nanalangin siyang hindi sana.

Gangster Royalties (On Going -Under Editing ♥-)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon