Prologue
"Hoy! Bumalik ka rito!"
"Hindi ako aso para sigawan mo at lalong hindi ako sunud-sunuran mo! Tangina! Ayoko na dito!" hinawakan ko nang mahigpit ang doorknob at pabalibag na binuksan ang pinto and stormed out of the library. Naririnig ko ang pagtawag sa'kin ng walang kwenta kong ama pero hindi ko na siya nilingon.
Grabbing my bag which was sitting on the sofa, I slid it on my shoulder. Lumapit naman ang ina ko na humahagulhol, "Anak, please, 'wag kang aalis. Your father's just letting off steam."
"Wala akong pakialam kung badtrip siya sa trabaho niya. That doesn't give him the right to yell at me!" hinawakan ko ang kamay ng ina at maingat na inalis 'yon. Isinilid ko ang kamay sa bulsa at nilagpasan siya, "Take care, then. Sana magtagal ka diyan sa isang 'yan." Bago pa man ako makalabas, my dad's voice boomed from the library room.
"Wala kang kwenta! Wala kang utang na loob! Bumalik ka rito ngayon din! Lucrad!"
My patience just snapped after hearing him say that. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at bumilis ang tibok ng puso ko. I gripped the doorknob tight, breathed deep and yelled in my loudest voice, "As if I wanted to be your son! Shut the hell up, old man! I hate you!"
Bago ko pa man marinig ang sagot niya at ang pagmamakaawa ng ina ko, I exited the house. Ewan ko kung nakikisama ba ang panahon but the moment I stepped out on our veranda, bumuhos ang malakas na ulan. Nagpapasalamat nga ako, eh. Hindi ko maririnig ang kung anong pinagsisigawan ng walang kwentang lalaking 'yon.
I rushed out of the gate at do'n nagtambay sa waiting shed. Hindi naman ako masyadong nabasa dahil may silong mula sa gate namin papuntang waiting shed. Pinara ko agad ang dumaan na taxi.
"Sa'n po tayo?"
"Kahit saan. Just take me somewhere far away from this stupid place," sagot ko naman habang nilalagay ang bag sa tabi ko. Bago ko maiangat ang ulo, mula sa gilid ng mga mata ko, I caught a glance on the rear-view mirror. Nakita ko kung pa'no ngumiti ang taxi driver. Something in that smile felt so malicious I suddenly felt restless and nervous. Hindi ko naman alam kung bakit.
"No problem, sir. Magaling po ako diyan."
Hindi na ako umimik. Bumaling ako sa labas ng bintana at do'n ko lang napansing ang lakas lakas pala talaga ng ulan. Isinasayaw ng malakas na hangin ang malalaking puno at parang nagfa-fog na sa lakas ng ulan. Hinawakan ko ang bintana at nagulat nang maramdamang ang lamig-lamig no'n. "Grabe, ang lakas lakas pala ng ulan. Ngayon ko lang napansin. Good thing you were brave enough."
"Can't help it, sir. I need to fulfill my mission. Too bad I lost my target. Buti nga ho, nadaanan kita. This way, I might be able to fulfill this mission with you as a replacement."
Napatingin ako sa rear-view mirror. Sa repleksyon ng taxi driver na straight lang na nakatingin sa daan. Teka, hindi ko maaninag ang mukha niya. Natatakpan kasi ng ballcap niyang suot. Teka, bakit siya nagballcap eh nasa loob naman siya ng sasakyan? At ano ba pinagsasabi ng isang 'to? Secret agent ba siya? "Anong mission?"
He raised his head and looked at the rear-view mirror at nagtama ang mga mata namin. Nangilabot ako nang makita ang pulang pupils ng mga mata niya and when it glinted, he smiled in a creepy manner and said, "This."
Before I could find out what was happening, naramdaman ko na lang ang gravity na hinihila kami. When I looked outside, nanlaki ang mga mata ko. We were falling into a creek. Ni hindi man lang ako nakapag-sorry sa ama't ina ko. Bago pa man kami lamunin ng kadiliman, may nakita akong isang pares ng mga matang nagliliwanag. It was shining red. And I could tell from those eyes that whoever owned it wasn't human. Neither was it there to save me.
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?