Chapter 17

684 18 0
                                    

Chapter 17

To the ICU


[Heaven's POV]

Nagtatakang tinignan ko lang si Lucrad nang lumutang siya papunta sa isang maitim na ibon. Napaisip tuloy ako. Yung mga Death Angels pala, kinakausap rin nila ang maiitim na ibon? Nakikipag-usap din ba ito sa kanila? Nagkibit na lang ako ng balikat at papasok na sana ng supermarket nang may mahagilap akong maliit na batang nakatayo. Halatang nagbabalak itong tumawid sa highway. Jusko, asa'n ba ang mga magulang ng batang ito?

"Bata," tawag ko rito pero parang hindi niya naman ako naririnig. Parang may sariling isip ang mga paa ko kaya gumalaw ito papunta sa maliit na batang lalaki. Tinawag ko siya ulit pero gano'n pa rin, parang hindi niya ako naririnig. Nang makalapit na ako sa kanya, aabutin ko na sana ang balikat niya nang bigla siyang kumaripas ng takbo papuntang highway. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Masasagasaan siya, panigurado.

I chased after the kid. Hindi ko na namalayang may paparating na sasakyan. The moment I touched his arm, nagulat ako. Ang lamig niya. And when the little boy looked at me over his shoulder, I had goosebumps. His red eyes gleamed as his lips broke into a creepy wide grin. And when he spoke, nanlamig na ako. With a low, whispering voice, he said, "Ang bait mong bata para mamatay."

And then I heard Lucrad screaming my name at nakaramdam na lang ng malakas na impact mula sa gilid ko at parang bumalandara ako kung saan as I heard a deafening screeching sound and then everything went black.


[Jill's POV]

"Whaaa~ Gusto ko na talaga makita ulit ang kapatid ni Heaven~!!" nang-gigigil kong sabi. Papunta na kasi kami ni Psyche ngayon sa Ospital. Wala kaming pasok, eh. Two days kaya ang holiday namin. Ito namang si Psyche, binalak sana namin na gamitin ang motor niya kaso nasira daw kaya ayon, pinaayos sa magaling nilang talyer.

"Grabe. Pwede ba akong magselos diyan kay Raven?" drama naman ng ungas sabay hawak sa dibdib niya.

Hindi ko napigilan ang sarili kaya't binatukan ko na siya habang natatawa, "Adik mo talaga kahit kailan, noh??" Nang matawa siya, nagtawanan na lang kami. Maya-maya, naalala ko bigla si Heaven. "Alam mo, lately, may something weird kay Heaven..."

Naramdaman ko naman ang paglingon sa'kin ng nobyo ko, "Matagal na kaya siyang weird."

Pinandilatan ko siya, "Psyche..."

"Joke lang, joke lang! Ito naman." Ipinasok niya ang mga kamay sa bulsa at tumingin na rin sa dinadaanan namin, "Pero tama ka. May napansin rin akong weird sa kanya."

"Right~?" sang-ayon ko naman. "Hindi ko talaga alam, eh pero minsan... nahuhuli ko siyang parang may kinakausap siya."

"Tama!" biglaang pagsigaw naman ni Psyche sabay hawak sa magkabila kong balikat na ikinagulat ko naman. "Tama ka! Nung isang araw, nakita ko siyang parang may kinakausap! Jill..." inilapit niya ang mukha sa'kin at napakaseryoso ang mukhang bumulong, "...nababali—aray!!"

Sorry. Sinikmura ko na. "Tarantado! Hindi baliw si Heaven! Adik mo talaga kahit kailan!" Habang nakaluhod siya't umuungol sa sobrang sakit, nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Nasa ilalim ng baba ko ang kamay, "Pero hindi naman gano'n si Heaven, ah... Ah!" Nilingon ko si Psyche, "Tara! Tanungin na lang natin!"

"J-Jill... I... I really love your bright smile pero..." dahan-dahan niya akong tiningala at halata ang paghihirap niya. "...Ang sakit ng suntok mo..."

Hindi ko napigilan ang sarili sa paghagalpak ng tawa. Pa'no kasi, itong 'perfect' ko daw na boyfriend eh mukha ng kawawa ngayon. Tinulungan ko na siyang tumayo at napagdesisyunang dumaan na lang muna sa supermarket para do'n siya ipagpahinga. Meron kasing maliit na fastfood doon, eh.

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon