Chapter 1
The Premonition
"W-Wag po! Wag po! Maawa kayo!" iyak ng lalaking nakasalampak sa mga garbage bags. Duguan ang damit nito at umaagos ang dugo nito mula sa leeg kung saan siya huling sinaksak. Nakataas ang dalawa niyang kamay. Pilit na sinasangga ang sarili mula sa lalaking nasa harap niya. Mula sa lalaking may malamig na mga mata.
Ngumiti ito nang nakakaloko, "Oras mo na..."
Nanginig sa takot ang lalaki nang makitang sa kabila ng dilim sa eskinita na 'yon, nakita niya kung pa'no nagliwanag ang mga mata nito. "Pakiusap... ayoko pa..."
"Heh," the guy smirked. "Tsaka niyo lang naman kasi pinapahalagahan ang buhay niyo kung kelan huli na. Tsk, tsk. Despicable creatures." Kasunod no'n, itinaas nito ang hawak na matalim na bagay at iniswing sa lalaking nakadapa. Mula sa katawan nito, lumabas ang kung anong maputing bagay na nagliliwanag. Ngumiti ang lalaking may pakana nito. "One more soul left..."
***
[Heaven's POV]
"Heaven! Heaven~!! Oh my golly~!!" sigaw ni Jill, ang kaibigan kong baliw. Pero mahal ko 'yan, ah.
I looked up at her from reading a book at tinapat ang daliri ko sa bibig, "Nasa library tayo, ano ba." At least ako, pabulong ang pagkasabi ko. Pero bakit sa'kin nakatingin ang Librarian at para pang mangangain ng tao? =_=
Sumimangot si Jill at nanguso sabay upo sa tabi ko, bumulong na rin siya, "Eh kasi naman, binabasa mo na ang librong noon ko pa pinapabasa sa'yo!"
Napatingin ako ulit sa librong binabasa. Makapal ito at medyo maalikabok pa. It even smells really old. Sinarado ko ang libro para makita ulit ang titulo nito. 'Death and Souls.' Maitim ang cover nito na may silver na baling pakpak sa itaas na kanang bahagi ng libro at may puno ring puro branches lang sa ibabang kaliwa ng libro. Medyo punit punit ang cover pero kung titignan mo, nakakakilabot talaga, promise. "Napilitan lang naman akong basahin 'to, eh. Tsaka... kahit naman anong sinasabi dito sa librong 'to..." I opened it again and flipped to the last page I read, "...they don't exist." Nga naman, talagang hindi. Wala ngang pangalan ng author ang librong 'to, eh.
Isang mahinang hampas sa balikat ang binigay sa'kin ni Jill, "The book won't exist kung walang basis 'yan."
"The book won't exist without people who believe in make-believe beings."
Narinig ko siyang bumuntong-hinga. Actually, no'ng freshman pa lang kami, napadaan kami sa Library kasi wala kaming magawa nung vacant time namin. Nagulat ako nang bigla siyang napatili at binato pa sa'kin ang makapal na librong 'to. Basahin ko raw. Gano'n pala 'pag may gusto kang ipabasa na libro sa isang tao? Ibabato mo? Although I don't know why it took two years for me to read this thing. It's not even that interesting. Death Gods and Death Angels and whatnots. It's not even in my chosen course.
"Pag ako, nalaman kong may taning na ang buhay ko, talagang hahanapin ko ang Death Angel ko!" sabi niya na nagpabalik sa'kin sa huwisyo.
Nasa libro pa rin ang atensyon ko, "Mamadaliin mo buhay mo?"
"Hindi, ah!" Tumayo siya't naglakad papunta sa bintana. Inilagay niya ang kamay doon and looked outside, "Kapag gwapo ang Death Angel ko, I will make him fall in-love with me para iligtas niya ang kaluluwa ko!"
I rolled my eyes, "Gano'n ba. Tigilan mo na nga pagsesentimento diyan, the Librarian's eyes are shooting daggers at you, in case you didn't notice."
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
Ficción GeneralAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?