Chapter 5
[Lucrad's POV]
"Wag po! Wag po!"
Nararamdaman ko ang paglapad ng ngiti ko. Hirap na hirap ang nakapintang ekspresyon sa mukha niya. Nakasangga ang dalawang kamay sa ulo niya, nanginginig siya. Inilabas ko ang paborito kong laruan—ang death scythe.
"Lu-Lucrad! Please! Please!" iyak niya ulit. Akala niya siguro, maaawa ako. Pero itong senaryo na 'to ang gustong-gusto ko.
I raised my scythe at ngumiti sa kanya nang pagkalaki-laki, "Hindi kita kakalimutan. Dahil ikaw ang huling piraso sa pag-abot ko sa pangarap ko." Patuloy ang kanyang pag-iiyak matapos marinig ang sinabi ko and started to crawl backwards. I gave her one last smile, "Give my regards to wherever you'd end up, Heaven."
"Kyaaaaaaaaaaaaah!!!"
"Kyaaaaaaaaaaaaah!!!"
My eyes snapped open nang marinig ko ang pagsigaw niya. Dumungaw ako mula sa bintana ng kwarto niya at nakitang nakikipaglaro siya sa dalawang bata sa labas ng bahay nila. Naka-school uniform na siya. Hindi ba niya alam anong oras na? Tsaka inistorbo niya ang maganda kong panaginip. Tsk.
"Ooooooy!!!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang kumaway-kaway siya sa'kin. I shook my head. She must be an idiot. Siya lang naman ang makakakita sa'kin. Tss. Pakelam ko kung magmukha siyang baliw sa harap ng iba. Bahala na nga.
[Heaven's POV]
Hala? Ba't 'di siya gumanti ng kaway? Ba't siya umiling-iling? Masakit kaya ulo niya? Siguro nga. Ikaw ba naman matulog habang nakalutang?
"Ate, Ate!" hila ni Kei sa manggas ng uniform ko. "Sino kinakawayan mo?"
Hinila rin ni Lin ang kabila, "May imaginary friend ka, ate?"
"Oy! Hindi baliw si ate!" pagtanggol ni Kei.
"Wala naman akong sinabing gano'n, ah!" ganti naman ni Lin habang nakanguso. Natawa ako sa kanilang dalawa at yumuko para magka-eye level kami.
"May Guardian Angel kasi ako," ngiti ko na ikinagulat ng dalawang cute na bulilit. Yeah, right. It's better to say Guardian Angel kesa Death Angel, noh. Matakot pa ang mga ito, eh.
"Guardian...Angel?" sabay nilang sabi at ipinilig pa ang ulo sabay blink.
Tumango ako, "Kapag kasi mabait ang tao, siyempre, bibigyan siya ni papa God ng Guardian Angel para bantayan siya't ilayo sa ipahamak. Para protektahan siya." Except that my 'Guardian' angel totally puts me in harm's way. =__=
"Talaga, ate??" Lin beamed at tumalon-talon pa. Halatang excited.
Sumimangot naman si Kei, "Hindi ka talaga mabibigyan ng Guardian Angel ni papa God. Ang sama mo kas—ow!"
Natawa ako nang binatukan siya ni Lin. "Hindi ako masama!" sabi ng maliit na babae.
"Eh, ano tawag do'n sa ginawa mo!? Mabuti!?" ganti naman ni Kei.
Bago pa man matuloy ang bangayan ng dalawa, tinapik ko ang ulo nila. Napahinto naman sila at tumingin sa'kin. "Kaya magpakabait kayo, okay? Tsaka i-enjoy niyo buhay niyo. 'Wag kayong magsasayang ng isang araw na hindi niyo nagagawa ang gusto niyong gawin." Ngumiti ako, "Pero siyempre, dapat kabutihan 'yon. Okay?"
Kahit na alam kong hindi nila ako masyadong maintindihan, tumango sila at ngumiti. Besides, alam ko naman na sa paglaki nila, they'll remember my words. Maiintindihan rin nila ako. Although I don't know if I'd be there to see them grow. Hehe.
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?