Hii guyths~!! Btw, matatagalan akong mag-update dahil tatlong chapters ang susunod kong update :))) Kaya yeah, hahahaha XD Thank you kina @DeathPrincess_01, @Babylovecoffee, @CharaNari_04 at kay @UurDreamCatcher sa suporta! Hopefully, you'll continue with your support :D Maraming salamat sa inyo guys! Kayo ang inspiration ko nito ♥
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 14
None
[Heaven's POV]
Habang nakatitig ako sa kapatid ko, parang may bumubuo na usok mula sa peripheral view ko kaya napalingon ako. Laking gulat ko na lang nang makakita ng isang matangkad na lalaking naka-cloak. Parehong-pareho kay Lucrad. Nakababa ang hood niya at kitang-kita ang mahaba niyang puting buhok. Nakangiti siya sa isang direksyon. Sinundan ko naman 'yon at nakita si Lucrad na nakalutang rin at nakatulala sa lalakin—correction: Death Angel na nakalutang sa may bintana.
Teka, 'di ba ang silbi nila ay...kumuha ng kaluluwa? Bigla akong kinabahan sa naisip. Maaaring kilala siya ni Lucrad, kapwa Death Angel niya, eh. Pero bakit nandito siya? Ano ang ginagawa niya dito? Meron kayang...ma...
Naputol ang iniiisip ko nang parang may malakas na hangin na dumaan sa harapan ko. Tsaka ko lang napagtantong si Lucrad 'yon nang makita ko kung pa'no niya hinatak ang lalaki sa may hood at lumagpas ng bintana. Nasapo ko ang dibdib at nakita naman ito ni papa.
"Still so happy?" nakangiti niyang sabi.
Tinignan ko siya at tumango na lang, "O-Opo!" Matapos ay tinignan ko ang mahimbing na natutulog na si Raven at ngumiti. Isasantabi ko na lang muna ang mga pinag-iisip ko ngayon. Priority ko ngayon ang kapatid ko.
"Ah. Natutulog," sabi ni papa sabay sinundot nang mahina ang pisngi ni Raven.
Natatawa namang siniko ni mama nang mahina si papa. Kandong niya kaya si Raven. "Ano ba, Ravien, magigising ang bata."
Dad grinned and patted mom's head. Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko nang makitang mahinang binunggo ni papa ang noo sa kay mama at bumulong, "Good job, Heather. You did a good job."
Nakita ko kung pa'no namuo ang mga luha sa mga mata ni mama. Nang ngumiti siya, pumatak ang luha niya. Napangiti na rin ako habang minamasdan silang tatlo. It sends a really warm feeling in my chest. Pamilyang-pamilya sila. Tama. Ate na ako. Kailangan ko pang maging responsable sa mga pinag-gagawa ko.
Pero hanggang kailan, Heaven?
Ilang buwan na lang ba natitira sa'kin? Buwan pa ba? Maybe a week? A day? An hour? Nang tinignan ko ulit sina mama, papa at Raven, naramdaman kong parang may bumara sa lalamunan ko. Pinilit kong tatagan ang sarili. Heaven, alalahanin mo ang pangako mo kay Lucrad. You'll live a wonderful life para kapag dumating na ang oras mo, wala ka nang pagsisisihan.
Wala ka nang...pagsisisihan. Sana nga. Sana wala.
[Lucrad's POV]
"What the hell are you doing here!?" bulyaw ko agad nang makarating kami sa rooftop ng Ospital. I immediately loosened my grip on his hood at lumutang palayo sa kanya.
Tinignan naman ako ni Kale at ngumiti, "Chill!" Inayos niya ang gusot na hood at tumingin ulit sa'kin sabay wink, "I have good news for you."
"What? Are you here to fetch Heather's soul? Ravien's? O baka naman yung kaluluwa ng kapapanganak pa lang na sanggol!?"
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?