Chapter 15

646 19 1
                                    

Hi guuuuyths~!! Thank you so much for waiting~!! Heto na po. The promised three updates, lol. Hehehehe. Ewan ko lang kung inabangan niyo ba tagala. X)) Anyway, sige po~! Thank you pa rin po sa support ninyo :D

------------------------------------------------------------------------------------------



Chapter 15

Baby album


[Heaven's POV]

"Ang cute cute talaga ng kapatid mo~!!!" nagtitiling sabi ni Jill habang niyuyugyog ang mga balikat ko. Lumabas kasi kami ng hospital room para bumili ng snacks. Pa'no eh magtatambay daw muna kami sa Ospital. Tsaka si baby Raven, kasama niya si mama. Nasa bassinet siya, of course.

Natawa na ako kahit na niyuyugyog niya ako, "Alam ko. Hahahaha! Nagmana ba naman."

She nodded sabay tanggal ng mga kamay niya at kinuha ang isang paper bag na dala ko, "Tama! Manang-mana talaga siya kina tito at tita!"

Si Psyche naman na may dala ring paper bag na puno ng snacks at inumin, ngumiti, "Tama si Jill. Manang-mana siya kina tito at tita. Pustahan tayo, gwapo yang kapatid mo. Pero siyempre," then shrugged. "Mas gwapo ako."

"Nahiya naman kami sa'yo~!" kantsaw naman ni Jill.

Natawa na lang ako. Actually, gusto kong magtampo. 'Yung ibig ko kasi sabihin, cute at gwapo ang kapatid ko dahil sa'kin nagmana. Ahahaha... sige na nga lang. Pabayaan.

"Heaven?"

Sabay kaming napalingon sa narinig na boses. Tinignan ko sina Psyche at Jill. Sabay naman silang napakamot sa likod ng ulo nila at ngumiti pa, "All is one."

Natawa na lang ako at nilingon ang ginang na tumawag sa pangalan ko. Ngumiti ako agad sa kanya, "Magandang hapon po, misis Alucard."

"Oh, dear." Tinapik niya ako sa balikat at mahinang natawa, "Just call me Tita Lucy, okay?"

Nahihiya man, tumango na lang ako. "Ah, siya nga po pala," tinignan ko sina Jill at tumingin ulit kay tita Lucy, "Sina Jill po at Psyche. Mga kaklase at kaibigan ko po."

"Magandang hapon, po," nakangiting bati naman ni Jill.

"Magandang ginang—I mean, magandang hapon po," pa-cute naman na sabi ni Psyche pero nasira naman agad ang image niya nang binatukan siya ni Jill. Pareho kaming natawa ni tita Lucy. Wow. Ang close lang namin. 'Tita' Lucy talaga ha? Grabe. Ang ganda sa feeling.

"Kaibigan niyo rin ba anak ko?" tanong naman agad ni tita.

Ako na ang sumagot, "A-Ay, hindi po. Ano po kasi...uhm..."

"Kalalabas lang po kasi ng kapatid ni Heaven~!" pagtatapos ni Jill sa sasabihin ko. Napangiti na lang ako. Someday, pasasalamatan ko siya sa kanyang pagiging friendly at kadaldalita.

Napasinghap naman si tita at nilingon ako, "Magkatabi lang pala ng room ang mama mo't kapatid mo kay Lucrad, hija!" Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at agad naman na nanuot ang pabangong gamit niya. "Meant to be nga kayo ng anak ko, Heaven~!"

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko at naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Meant to be kami? Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong magkatabi nga lang ang room nila. 404 kasi sina mama at baby Raven at si Lucrad naman, nasa 405. Meant to be nga kaya kami?

"Ang bait mong bata para mamatay..."

Bumigat bigla ang pakiramdam ko at napangiti na lang ako. Hindi kami meant to be. Hindi pwede, eh.

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon