Chapter 7
[Lucrad's POV]
"I like it when the two people I like end up together."
Tss. Who does she think she is to say that with a crying face? Tas sa harap ko pa. Buti na lang pinahiran niya 'yon agad at nagmamadaling umalis. Pag-uwi namin, ni-lock niya ang sarili sa kwarto. Hindi naman siya nag-iiyak. Nakaupo lang siya sa kama niya, yakap yakap ang body pillow niya. Akala ko nga hindi na siya iiyak nang biglang may pumatak na luha sa mga mata niya.
"Tsk." Lumabas ako ng kwarto niya at nagtambay sa bubong ng bahay nila. Mala-orange na ang kulay ng kalangitan ngayon. This really reminds me of the day I first met her. The day I thought I was gonna reach my own star. Bakit pa kasi hindi siya natuluya—
"I'll continue living a wonderful life! So you just sit back and wait for my time. Don't interfere, okay?" and she smiled bravely.
Napabuntong-hinga na lang ako. She really is a pain in the arse.
"Lucrad~! Lucrad~!"
Napatingin ako sa maitim na ibon sa ibabaw ko. It was flying in circles. Base sa boses na 'yon kanina, I bet this crow is one of Master's pets. "What do you want?"
Isang malutong na halakhak ang narinig ko mula sa ibon when it landed on my knee. Halatang galing 'yon sa kanya. "Why do you look so depressed, Lucrad?"
"I am not."
"Let's see..." the crow flapped its wings for a second at ipinilig ang ulo. "I gotta guess it's because your dearest Heaven's depressed, as well. Am I right or am I right?"
Tinignan ko nang masama ang ibon. "For a Death God, you're really annoying."
Narinig ko ulit ang tawa niya. "She has a broken heart, Lucrad. Intindihin mo naman. Why not cheer her up? After all, you've decided to wait for her time, right? I guess hindi mo na naman susundin ang rule na 'yon."
Tumingin ako ulit sa langit, "I ain't cheering that idiot up. Kasalanan niya. Alam niya namang mamamatay na siya, she still gave him up. Shouldn't she be selfish at least once? Besides, I've never abided by that rule, anyway. And I think it's more interesting watching her struggle with life. Kaya hihintayin ko na lang ang oras niya."
Biglang lumipad ang ibon and landed on my forehead. Dumungaw ito at parang isang galaw na lang ng ulo niya, matatamaan na ng bibig niya ang bridge ng ilong ko, "Just talk to her. It'll rid you of your boredom."
Bago pa man ako makasagot, lumipad na ito at naging usok na inihip ng hangin. Napabuntong-hinga ako ulit at tinitigan ang mga ulap na gumagalaw. Mamamatay na siya. Alam niya 'yon. Bakit 'di siya lumaban? Bakit 'di na lang niya sinabi sa kaibigan niya na sa kanya muna ang kasiyahan dahil malapit na rin naman siyang mamatay? How much of a selfless girl is she?
I've retrieved a soul who went through the same thing she did. Ang pinagkaibahan lang, that girl fought for it though in the end, she lost and committed suicide. Teka, magpapakamatay kaya siya dahil lang dito?
I gritted my teeth. Nakakalito ang naramdaman ko nang maisip 'yon. Half of me was happy...half of me felt irritated for some reason. Kaya para hindi na ako tumunganga dito, napag-isipan kong bumalik na lang sa loob.
The moment I entered through her window, napatingin siya sa'kin. Sumisinghot-singhot pa siya. "Welcome back, Lucrad!" Ngumiti siya na ikinabigla ko.
"Ba't ka nakangiti?"
"Huh? Masama ba..?"
Lumutang ako sa harap niya and sat like a ninja in the air, "Shouldn't you be weeping for your loss?"
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?