Chapter 3

993 21 3
                                    

Chapter 3

The remaining rule


[Heaven's POV]

Nakatulala pa rin ako sa lalaking lumulutang sa harap ko. Gusto ko mang sumigaw, hindi ko magawa. Parang sa mga oras na 'yon, ninakawan ako ng boses. Teka, sumigaw na pala ako—mentally.

"Tsk. Stupid Death God. Should've told me it was a false alarm," reklamo niya and when he swished his death scythe, naglaho 'yon sa hangin.

Again, hindi pa rin ako makapaniwala. Naririnig ko siya... nakikita ko siya. Hindi naman ako naniniwala sa kanya pero bakit ko siya nakikita? Lumunok ako ng ilang beses bago makapagsalita. Mahina lang naman. "F-False...alarm?"

Ang mapupula niyang mga mata ay nakatingin sa malayo habang sinasayaw ng hangin ang buhok niya. He was frowning, "Yeah. I thought I could fetch your sou—" Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa'kin. Kumabog naman nang malakas ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. Ang gwapo niya nga! I mentally slapped myself. Umiiral pa rin kalandian ko sa mga oras na 'to, ah. Hanuba!

"Impossible..." sabi niya na nagpabalik sa'kin sa huwisyo. He's slowly floating around me, rubbing his chin—as if figuring out a new found specie. "Guni-guni ko lang 'yon." Nang tinignan ko siya, bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "She can't...possibly..." dahan-dahan siyang yumuko at kinaway ang kamay sa mukha ko.

Kukunin niya na ba ang kaluluwa ko!? Bakit ang lapit ng kamay niya? Bakit!? "Wh-What are you doing...?"

.

.

.

"GAAAAAAAAAAAAH/KYAAAAAAAA!!!" sabay naming sigaw. Nasapo ko ang dibdib at nakakunot ang noong tumingin sa kanya. Ba't ba siya nanggugulat??

"H-How the hell can you see me!?" sigaw niya. Halata sa gwapo niyang mukha ang pagpapanic. For a Death Angel, he seems to lose his composure quite easily. Ay teka, ikaw ba naman makita ng isang tao, 'di ka ba magugulat!?

Eh ikaw ba naman makakita ng Death Angel, 'di ka rin ba magugulat!? "How would I know!?" ganti kong sagot sa kanya. Kung kanina kinakabahan pa akong kausapin ang lalaking 'to, medyo nawala naman 'yon dahil sa pagsigaw ko kanina.

"Th-This can't be happening..." He started floating to and fro, gulung-gulo ang isipan. When he seemed to have reached a conclusion, inilabas niya ang kanang kamay at nang binuksan niya ang palad, may itim na usok na pumaligid dito at dahan-dahan 'yon naging...death scythe!? "I have no other choice."

Napaatras ako nang maisip ang iniisip niya. Legal ba 'tong gagawin niya!? Hindi ko pa naman siguro oras, 'di ba? Nakaligtas pa nga ako do'n sa motorsiklo! "T-Teka, what are you planning!?"

"You can see me... and this means disaster. I must get your soul before this could turn into—"

"Luuuuuuuuucraaaaaaad~!!"

Pareho kaming napahinto. Luminga-linga ako para makita ang pinang-galingan ng boses ngunit wala akong makita. Kaming dalawa lang talaga nandito. Kaninong boses ba 'yon? It sounded playful but...dangerous enough to make my skin crawl.

"Tsk."

Paglingon ko sa kanya, dahan-dahan siyang naging usok at bago pa man ako makapagsalita, naglaho na siya. As if on cue, napasalampak ako sa kalsada ulit. Nanginginig na pala ang mga tuhod ko. Sheeks. Kaninong tuhod ba hindi manginginig sa nangyari kanina!? I just... I just had a short conversation with a Death Angel, for Pete's sake!

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon