Chapter 11
Hospital visit
[Heaven's POV]
"Kapagod~" isinandal ko ang ulo sa desk habang ang mga kamay naman ay hinayaan ko na lang na nakabitin. Talagang nakakapagod, ano.
"Heaven..." parang zombie na lumapit naman sa'kin si Jill. Klarong-klaro ang eyebags niya. She leaned on my table and knelt, "...ayoko na..."
I lazily looked at her, "Ako rin. Pero konting tiis na lang." Umupo ako nang maayos at nag-inat, "Isang subject na lang!!"
As if on cue, pumasok naman ang professor namin sa English na may dalang isang pack ng mga test questionnaires. "Okay, okay. Settle down everyone." Inilapag niya ang mga hawak na papel sa mesa and pressed the rim of his glasses bago ngumiti, "My exam's easy."
Everyone whined. "Kelan pa naging easy ang fill in the blanks, sir?" iyak ng isa sa mga kaklase ko na ikinatawa naman ng iba."
"Tsaka easy lang pala 'yung identification?" reklamo naman ng isa pa.
Natawa na lang ako. Kahit nga ako, yan rin ang iniisip ko. Pero wala na kaming magagawa, eh. Hindi kami ang gumawa ng questions kundi si sir. But it's okay, kaya pa namin 'to! Anyway, we're currently having our semi-final exam. It's been three months mula nung nangyari ang mga 'yon. Grabeng time skip ang ginawa ng author noh?
(Heaven... =__=)
Ehehe, joke lang po.
"Okay. Pass your papers now."
"Sir teka lang, pareview!!"
Umiling siya at ngumiti ulit, "Start."
"Siiiir!!"
Nang matanggap ko ang papel, agad kong iniscan ang mga questions at napangiti na lang ng pilit. Ito naman talaga parating binibigay na questions ni sir, eh. Ang daming...blank.
"Pfft... that looks so easy."
Napalingon ako sa lalaking nakalutang malapit sa bintana. Yung seat ko naman kasi malapit sa bintana, eh. Bumulong ako, "Turuan mo naman ako."
He raised an eyebrow and crossed his arms, "Ano ka, sinuswerte?"
Napanguso tuloy ako. Kaya bago pa man ako mapagkamalang baliw ni sir, nagsimula na ako sa pagsasagot sa mga tanong. Nang nasa third part na ako ng exam, which is the last part, pakiramdam ko parang kakalawangin na utak ko. Ano ba sagot dito? Aish. Bahala na nga!
"What the hell was the purpose of pulling an all-nighter, woman?" Naramdaman ko ang paglapit ni Lucrad, "That is obviously wrong!"
Nilingon ko siya at pabulong pa rin na nagsalita, "Kaya nga turuan mo na lang ako!"
"Miss Heaven Skyler, who are you talking to?"
Napapitlag ako at tumingala. Si sir! Nasa harapan ko na. Omg. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lucrad na lumulutang-lutang sa likuran ni sir—like he's checking him out. Ano ba, Lucrad!
"Skyler?" ulit niya.
"A-Ah...Y-Yung langaw po... Y-Yung langaw ki-kinakausap ko, hehe..."
Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko habang si Lucrad naman, pinandilatan ako. Pinandilatan ko rin siya. Kaso, that seriously was stupid of me.
Kumunot ang noo ni sir, "Why are you glaring at me like that, Heaven Skyler?"
Nanatili pa ring nakadilat ang mata ko nang iniwas ko ito kay sir at tumingin-tingin sa ibang panig ng classroom, "Wala po, sir. P-Para po maalala ko ang mga pinag-aralan ko po kagabi." Ano ba, sir! Umalis ka na nga! Hindi ako makakasagot nito~
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?