Chapter 16

615 19 2
                                    

Chapter 16

The inevitable


[Lucrad's POV]

Nang bumalik ako sa Ospital, wala na si Heaven doon. Wala na rin sina Psyche at Jill kaya malamang, umuwi na ang mga 'yon.

"She'll die anytime this month."

Naikuyom ko ang mga kamao nang maalala ang sinabi ni Master. He told me she can't be saved. Wala na raw ibang paraan. So that means...she's really going to die. All because of that stupid promise! If I had known the effect of that I wouldn't have sworn! Damn it, Lucrad! Damn it!

"Lucrad, anak..."

Napalingon ako sa boses na 'yon. It was my mom. Ngayon ko lang napansing lumagpas na pala ako sa kwarto nina Heather at napunta rito sa kwarto ko. Aalis na sana ako mula sa ceiling nang magsalita siya ulit, "Heaven's a really good girl." Napahinto ako at dahan-dahan siyang nilingon. "She told me she also believes that you'll someday wake up..." hinawakan niya ang kamay ng vessel ko at ngumiti nang pilit. "...I can't help but imagine what you guys would look like kapag magkasama na talaga kayo. You'll be the cutest couple in the whole world," and then she chuckled.

I gritted my teeth. Wishful thinking, mom. Umalis na ako at dumiretso papunta kina Heaven. Dahil kapapanganak pa lang ng mama niya, of course, hindi pa sila pwedeng umuwi. Heaven's dad would stay beside her mom, too. Kaya siguradong siya lang talaga sa kanila ngayon and I need to be there with her.

Pagdating ko sa phase three, kung sa'n nakatira si Heaven, nagmadali akong lumutang at nang lumagpas ako sa mga nagko-construct, nahuli ng mga paningin ko ang isang babaeng naka-pink na whole dress at may nakasukbit na bag sa balikat niya. "Heaven!"

The moment I descended, narinig ko ang sigawan ng mga construction worker at ang pagtawag nila kay Heaven and that was when I noticed the metal pillar falling on her. Lahat ng dugo ko parang bumaba sa paa ko at naramdaman kong parang mailuluwa ko na ang puso ko. "Heaven!!!"

The moment she looked at me and then at what's above her, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. I sped up, wrapped my arms around her waist and fortunately, managed to escape the said danger. Kasabay ng pagbagsak namin sa kalsada ay ang pagbagsak din ng pillar kasama ang malakas na tunog nito.

"—Cough, cough—"

I immediately floated away from her at sa mga oras na 'yon, umakyat lahat ng dugo ko sa ulo, "What the fck were you thinking you stupid woman!!? Pay attention to your surroundings more! 'Wag kang tatanga-tanga, tangina!!!"

Nanlalaki ang mga matang tiningala niya ako. Alam kong nagulat siya sa biglaan kong pagsigaw. "Sor..."

"Sorry!?" Right now, the only thing I could hear is the sound of my heart beating. The only thing I could feel is the cold sweat beading down my forehead. "Sa tingin mo, maibabalik mo ang oras kapag sasabihin mo 'yan!!? Na hindi ka mamamata—" ginulo ko ang buhok at naiinis na napasigaw in frustration. "Damn it, arrrgh!!!"

"Lucra—"

"Wag kang tatanga-tanga!" sigaw ko sa kanya at lumutang paalis. Hindi ko mainitindihan ang sarili ko. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala akong magagawa para sa kanya. Hanggang dito lang ako, eh. Hanggang sa pagligtas lang.

"Mi-Miss! Okay ka lang ba!?" narinig kong tanong ng isang construction worker.

"Pare, umiiyak! Baka nasaktan siya!! Miss, ano tinitignan mo? May masakit ba, miss??"

Sa mga oras na 'yon, napalingon ako kay Heaven at laking gulat ko na lang nang makitang nakatingin siya sa'kin. Nakaupo pa rin siya sa sahig at tinitingala ako habang ang mga luha niya naman ay patuloy lang sa pagdaloy at pumapatak na sa sahig ng kalsada at paulit-ulit na sinasabing, "Sorry... Sorry... Sorry... Sorry..."

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon