Chapter 6

652 19 4
                                    

Chapter 6


[Heaven's POV]

Hindi ako makapaniwala. All this time, gano'n pala ang nararamdaman ni Psyche? And to think palagi ko silang pinagpapares ni Jill. Gusto kong maiyak sa tuwa. Hindi ko rin alam pa'no ko haharapin si Jill. Ang sabi ni Psyche sa'kin, siya na daw bahala kumausap kay Jill tungkol sa nararamdaman niya. Kung hindi niya lang sana sinabi 'yon, baka sinabi ko na kay Jill. Eh excited ako eh. Tsaka natuwa ako do'n.

Sigurado akong kapag sinabi ko rin kay Jill 'yon, matutuwa rin siya. Nga pala, kahapon pa ako hindi pinapansin ni Jill, ah. Bakit kaya?

"Jill!" tawag ko sa kanya nang makitang papasok na siya ng gate ng school.

Nakita ko naman kung pa'no siya napahinto sa paglakad at dahan-dahang lumingon sa'kin. "H-Heaven! G-Good morning!" Ngumiti ako at tumabi sa kanya sa paglalakad at lumingon-lingon nang hindi makita si Psyche. Asa'n kaya 'yon? "K-Kung si Psyche hinahanap mo, hindi kami...magkasama ngayon."

"Eh?" Napatingin ako sa kanya at inilagay ang dalawang kamay sa likod, "Bakit naman?"

Tumingin siya sa malayo, iniiwasan ang mga mata ko. "Wala lang. Tinamad na kasi akong gisingin siya eh. Tsaka..." tas tinignan niya ako at ngumiti. "...hindi niya naman ako yaya." Sasagot na sana ako nang bigla siyang tumakbo at kinaway ang kamay, "Mauna na ako ah! May gagawin pa kasi ako!"

"Jill!" tawag ko pero hindi na niya ako narinig. Hindi na siya lumingon. Ano ba nangyari do'n? Bakit parang may mali? May hindi sinasabi si Jill sa'kin ah. Weird. Tsaka yung ngiti niya kanina, ewan ko ba pero parang pilit lang 'yon eh. May problema kaya si Jill?


[Jill's POV]

"Jill, good morning!" bati ni Crystal pagkapasok ko ng classroom. Tumango lang ako sa kanya dahil hinihingal pa ako. "Whoa. Ang gulo ng buhok natin ngayon ah? Di uso ang suklay?"

Umiling lang ako at inilagay sa desk ang bag, "Pauso ko lang."

"Pauso daw. Eh palagi ka kayang prim and proper kada-pasok mo. Tas ngayon, ang gulo ng buhok mo!" tumingin siya sa pinto at sa'kin ulit bago ngumiti nang nakakaloka, "Hmhmhm...Dahil kay Psyche, ano?"

Muntik na akong mabuwal sa kinauupuan ko nang marinig 'yon. Agad ko siyang sinimangutan, "Anong pinagsasabi mong Psyche! Eh alam mo namang hindi kami kailanman nagkakasundo ng isang 'yon!"

She arched an eyebrow at nameywang pa, "Girl, 'wag mo akong linlangin. Babae rin ako. Alam ko kung ano ang kinikilos ng isang babaeng in-love. Tsaka nag-away ba kayo ni Heaven? Kahapon pa kayo hindi nagpapansina...—ohmy!" Napahawak ako sa sentido nang makita ang reaksyon niya. Knowing Crystal... "Don't tell me love tri ang meron kayo!?"

"Ewan ko na nga sa'yo!" tumayo na ako at lumabas ng classroom. Sa'n ba ako pupunta nito? Ayokong magtambay sa cr, mapagkamalan pa akong nagtatae do'n eh. Doon na lang kaya ako sa library? Geez. Delikado sa classroom. Hindi ko kayang ihandle ang kakulitan ng Crystal na 'yon. Baka kung ano pa ang masabi ko.

Besides, hindi naman kami nag-away ni Heaven. Hindi ko pa lang talaga siya kayang harapin. Alam kong hindi tama ang nararamdaman ko. Walang kasalanan si Heaven. Wala rin naman siyang ginawa na masama. Kilala ko siya, eh. Kilalang-kilala ko siya. Hindi siya ang tipo ng babae na mang-aagaw.

Mang-aagaw. Heh. It's not like Psyche was mine, anyway. Palagi na kaming magkasama tatlo mula pagkabata. Hindi ko na namalayan na nahulog na pala ako sa unggoy na 'yon dahil palagi kaming nag-aaway. Kinailangan ko pa talagang makitang magkayakap sina Psyche at Heaven para marealize ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon