Chapter 8
My death?
[Heaven's POV]
Ngumiti ako sa sarili kong repleksyon matapos magsuklay. Okay na ako. Hindi na masyadong masakit. Mahal ko naman silang dalawa, eh. Yup. Kaya ko 'to. Ilang beses ko nang inimagine na magkasama silang dalawa—teka, dapat nga sanay na ako, 'di ba? Palagi naman talaga silang magkasama, eh. Kahit nga magkasama kaming tatlo, naiiwan nila ako. Kapag nagsisimula na ang dalawa sa bangayan nila, hinahayaan ko na lang at binabagalan ang paglalakad.
Napabuntong-hinga ako. Ano ba. Kaya mo 'to, Heaven! Kaya mo!
"You know...I'm starting to think something's wrong with your brain." Isinatinig ng lalaking palutang-lutang sa kwarto ko habang nakaskwat.
Tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin, "Baka nga. Hahahaha!" Nilingon ko na siya at isinukbit ang bag ko sa balikat, "Tara na!"
He rolled his eyes, "Just go."
Napasimangot naman ako at lumabas na lang. Halata namang hindi ko mapipilit ang isang 'yon, eh. Psh. Ba't ba ang sungit sungit niya? Gano'n kaya siya sa dati niyang buhay? Ah...Teka. Wala pala akong alam tungkol kay Lucrad. Bakit niya kaya binabantayan ang kaluluwa ko? Tagabantay ba siya at tagakuha lang ng kaluluwa ko? O baka meron pang mas komplikadong dahilan?
Babalik na sana ako ng kwarto para tanungin siya nang marinig ko ang boses ni mama. Tinatawag niya ako dahil may bisita daw ako. Napakunot ang noo ko. Ang aga aga may bisita na ako? Kaya bumaba na lang ako ng hagdan at pagdating ko sa sala, nagulat ako nang makita sina Jill at Psyche.
"Heaven~!!" kaway ni Psyche at tinakbo pa talaga ako ng yakap.
"Thanks, Heaven," ngiti ni Jill. "Tsaka nagpapasalamat rin si 'yang adik na 'yan." Bigla niyang hinatak sa kwelyo si Psyche palayo sa'kin.
"Aray!" sigaw naman ng huli. Nang binitawan 'to ni Jill, nilingon niya ito at ngumiti nang nakakaloko, "Selos ka na agad, babe?"
Biglang pumula ang buong pagmumukha ni Jill at hinablot ang unan na malapit sabay bato kay Psyche, "Sabing 'wag mo kong matawag na babe, eh!!"
"Aray!! Ow—Jill! Teka, cease fire! Cease fi—ow! Jill! Hahaha—ano ba—hahaha!"
A-Ahh. A-Ang sweet nila. S-Sa bahay pa talaga namin piniling magbangayan. A-Ahahaha... Bagay nga, bagay. Ang cute nilang tignan, yup. Ang cute nilang tignan.
"J-Jill!" tawag ko na nagpahinto naman sa kanilang dalawa. "Tara na?" tsaka ngumiti na ako. Pakiramdam ko may bumabara sa lalamunan ko, eh. Ano ba.
"Ay! Tama! 'Yan nga rin pala pinunta namin dito~!" ngiti ni Jill.
I blinked, "Huh?"
Nanlaki ang mga mata ko nang inakbayan ako bigla ni Psyche. Normal lang naman 'to, eh. Nakaya ko ngang magpanggap ng mahabang panahon, 'di ba? Ngayon pa kaya. "Sabay-sabay na tayong pumunta ng school every day!"
"H-Ha!?" nilingon ko siya at inilapit ang mukha sa kanya sabay bulong, "Natotorpe ka pa rin?"
He blinked pagkatapos ay tumawa nang mahina and playfully ruffled my hair, "Hindi. It's just...it doesn't feel right without you around."
"Yup! Hindi ka naman namin iiwan dahil lang...alam mo na," nahihiya namang sabi ni Jill at ngumiti.
Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga mata ko at nagblur ang paningin ko.
"Wh-Whoa! Heaven?!" natatarantang naghanap ng panyo si Psyche sa bulsa niya.
"Veeen! Anong nangyari!? B-Bakit??" nag-aalala namang tanong ni Jill. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na iniharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?